Assoc. Justice Carpio, nag-resign bilang consultant ng JBC

TILA HINDI pa umano tapos ang iringan sa pagitan nina Supreme Court (SC) Chief Justice Lourdes Sereno at Senior Associate Justice Antonio Carpio.

Base sa report, nagbitiw na daw bilang consultant ng Judicial and Bar Council (JBC) si Carpio dahil sa naganap na paninigaw umano ni Sereno noong nakaraang taon.

Inirekomenda naman ni Carpio bilang papalit sa kaniyang iniwang puwesto ay si Justice Teresita Leonardo-de Castro.

Tinanggap naman umano ni Chief Justice Sereno ang pagbibitiw ni Carpio.

Nangyari daw ang nasabing insidente nang sigawan sa kasagsagan ng deliberasyon ng Cybercrime Law noong nakaraang Disyembre.

Nagdedebate umano sina Carpio at Justice Marvic Leonen tungkol sa draft ponencia ni Justice Roberto Abad nang sumigaw ang chief justice at pinatigil si Carpio.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.