Assistant manager, hinoldap ng apat

NATANGAY ANG MGA mamahaling cellphone, alahas at pera ng isang assistant manager ng apat na hindi pa nakikilalang mga suspek nang harangin ng mga huli ang sinasakyang pedicab ng una sa Navotas kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Cherie Miram, 35 assistant manager ng Ferna Corporation at residente ng Silanganan St., San Rafael ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-7 ng umaga, papasok sa trabaho ang biktima sakay ng pedicab ni Jaime Valdez at pagsapit sa Kalakal St., San Rafael ng lungsod ay sumulpot ang mga suspek.

Tinutukan ng baril ang biktima bago kinuha ang iPhone, Blackberry, mga alahas at cash na P25,000 bago nagsitakas.

Agad namang nagpunta sa presinto ang biktima upang ipaalam ang pangyayari, kung saan nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.