Assets ng mga Kinasuhan sa Pork Scam, Ipina-Freeze ng CA

NAGLABAS NG freeze order ang Court of Appeals (CA) sa mga bank accounts ng mga dating congressmen at staff ng mga mambabatas na dawit sa multi-milyong pork barrel fund scam.

Base sa 43-pahinang kautusan na sinulat ni CA Associate Justice Manuel Barrios, magiging epektibo ang naturang freeze order sa loob ng tatlong buwan o 90 araw.

Kabilang sa may freeze order sa mga bank accounts ay sina Atty. Gigi Reyes, dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce-Enrile; dating staff ni Sen. Bong Revilla na si Richard Cambe; Pauline Labayen, na staff ni Sen. Jinggoy Estrada; at former Social Secretary Ruby Tuason.

Sakop din ng kautusan ng appellate court ang mga bank accounts nina dating Agusan Del Sur Rep. Rodolfo Plaza; former Benguet Rep. Samuel Dangwa; former Cagayan de Oro Rep Constantino Jaraula; dating APEC Party-list Rep Edgar Valdez; Erwin Dangwa, chief of staff ni former Rep. Dangwa; at chief of staff of ni former Rep. Lanete na si Jose Sumalpong.

Samantala, hindi naman kasama sa freeze order ang mga bank account nina Enrile, Estrada at Revilla na unang kinasuhan ng Plunder sa Office of the Ombudsman dahil sa pagkakadawit sa pork barrel fund scam.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.