‘Asset’, Kritikal sa Boga

KRITIKAL NGAYON sa pagamutan ang isang lalaki makaraang barilin ng isa sa dalawang hindi nakikilalang kalalakihan habang ang biktima ay nagmamaneho ng tricycle sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Si Enrique Chua,23, binata, triycle driver at residente ng # 403 2nd St., 4th Avenue, Brgy. 188 ng nabanggit na lungsod.

Base sa ulat ni PO1 Richard Jumalon, may hawak ng kaso, dakong alas-6:00 ng gabi nang barilin ang biktima ng isa sa dalawang suspek na kanyang pasahero sa kahabaan ng 8th St., 8th Avenue, Grace Park.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Jumalon, habang binabagtas ng minamanehong tricycle ng biktima ang nasabing lugar sakay ang dalawang suspek ng isa sa mga ito ay biglang bumunot ng hindi nabatid na kalibre ng baril at agad na pinutukan ang biktima na tinamaan sa kaliwang pisngi.

Bago lisanin ng mga suspek ang lugar ng pinangyarihan ng insidente ay tinuran ng bumaril sa biktima ang mga katagang, “Asset ka, marami ka nang alam kaya dapat sa iyo ay manahimik na.”

Matapos nito ay mabilis na nagsialis ang dalawang suspek dala-dala ang ginamit na baril sa krimen at iniwan ang duguang biktima.

Ilang mga by-stander sa nasabing lugar ang mabilis na nagdala sa biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Hospital kung saan ay pinaghahanap na ng mga awtoridad ang ang dalawang suspek.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.