Asosasyon ng mga Taga-ICT, Nag-organisa ng Pambansang Summit

NAGSAMA-SAMA ANG Chief Information Officers Forum Foundation (CIOFF), Chief Information Officers Forum (CIOF) at Department of Science and Technology-Information and Communication Technology Office (DOST-ICTO) upang i-organisa ang isang summit kung paano mapapalakas ang sektor.

Kabilang sa e-government master plan ng pamahalaan batay na rin sa nasabing summit ay ang pagsulong ng kanilang programang Medium Term Information gtechnology Harmonization Initiatives o MITHI, mga cloud computing policies at ang IgovePhil na inilunsad kamakailan na naglalayong makipagtulungan ang pamahalaan sa pribadong sector.

Target ng gobyerno na ikonekta sa Internet ang maraming barangay sa bansa sa kabila ng maraming bayan pa rin ang talagang hirap sa signal ng Internet gawa ng mahina o talagang walang broadband infrastructure.

Ayon kay USec. Luis Napoleon Casambre, Executive Director ng ICTO, ang solusyon sa suliranin ng broadband connection ay ang TV white space program nila kung saan target nilang ikonek ang mga hospital, paaralan at RHU sa internet.

(MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.