Asong si Kabang, Balik-‘Pinas na

MATAPOS ANG operasyon sa ibang bansa, babalik na sa Pilipinas ang asong si Kabang na tinaguriang hero dog dahil sa pagliligtas ng kanyang mga amo na humantong sa pagkawasak ng mukha ng hayop.

Pinayagan na ang nasabing aso na makalabas ng Veterinary Teaching Hospital sa University of California (UC) Davis at makauwi sa pamilyang nagmamay-ari rito.

Oktubre 2012 nang ilipad si Kabang patungo sa UC Davis upang doon ipagamot.

Kabilang sa mga ginawang medikasyon kay Kabang ang paglulunas sa heartworm disease at infectious cancer nito.

Tinanggal din ang dalawang ngipin nito sa taas, inayos ang talukap ng mata at tinakpan ang nakabukas nitong sugat sa mukha.

Nakakakain, nakakaamoy at may panlasa nang muli si Kabang.

Hindi man na maibabalik ang nguso at upper jaw ni Kabang, mas ligtas naman ito mula sa impeksyon at magkakaroon ng mas aktibo nitong pamumuhay.

Samantala, sa Huwebes nakatakdang lumipad pabalik ng bansa si Kabang sakay ng Philippine Airlines mula sa San Francisco International Airport.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.