Aso, Binangga; 2 Parak, Sugatan

NAKA-CONFINE NGAYON ang dalawang pulis nang maaksidente habang nagsasagawa ng follow-up investigation sa isang shooting incident sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Kinilala ang mga biktima na sina PO1 Jonathan Candido at PO1 Armando Aguete, naka-assign sa Pasuquin PNP.

Sa blotter ng pulisya, sakay ang dalawang pulis sa isang motorsiklo nang mabangga ang isang aso dahilan para mawalan ng balance ang dalawa hanggang sa tumilapon.

Ayon sa mga doktor na sumuri sa dalawa, si Aguete ay nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan habang nabali naman ang balikat ni Candido.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.