Asistio, Sinampahan ng Bagong Kasong Libelo si Annabelle Rama

PANIBAGONG KASONG libelo ang isinampa ni da-ting Caloocan City Mayor Macario “Boy” Asistio, Jr. kay talent manager Annabele Rama sa Caloocan City Prosecutor’s Office dahil umano sa mga nakasisirang pahayag nito sa pamilya ng dating alkalde.

Kasama ni Asistio na nagsampa ng kaso ang live-in partner nito na si Nadia Montenegro, pa-nganay na anak ng mga ito na si Ynna at ang abogado nitong si Marie Glen Abraham nang magtungo ang mga ito sa tanggapan ni Assistant City Prosecutor Rowena Alejandria.

Napag-alaman na humihingi ang kampo ni Asistio ng P10-million danyos kay Rama dahil sa mga ginawa nitong mapanirang pananalita na nakaapekto umano sa pamilya ng da-ting alkalde.

Ayon pa kay Asistio, hindi nito papayagan ang sinuman na siraan sila sa publiko at ang pinakahuling kaso na isinampa nito kay Rama ay dahil sa sinabi ng talent manager sa pamilya ng dating alkalde na “nothing but garbage”.

Nasaktan din umano si Asistio sa sinabi ni Rama na hindi siya ang tatay ng mga anak ni Montenegro dahilan upang tuluyan itong magsampa ng panibagong kaso laban sa dating talent manager ng kanyang anak na si Ynna.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.