Asiana Plane Crash; Walang Pinoy na Nadamay

WALA UMANONG Pinoy na nadamay sa pagbagsak ng Asiana Airlines flight sa San Francisco International Airport.

Lumalabas sa report ng Philippine Embassy sa Washington, sinabing base sa impormasyon mula sa mga US aviation authorities, karamihan sa mga pasahero ng eroplano ay Koreans, Chinese at American nationals.

Ayon kay Philippine Consul Jaimon Ascalon, kaagad umano silang nag-deploy ng dalawang kinatawan ng konsulada sa airport para malaman kung may mga kababayan na nadamay sa insidente.

Base sa manifesto ng Flight OZ-214, ito ay may 291 passengers at 16 na crew.

Sa bilang ng mga pasahero, 77 umano ay Koreano, 141 ang Chinese at 61 ang US citizens.

Napag-alaman na ga-ling ng Incheon International Airport kamakailan ang eroplano at patungo ito ng San Francisco nang maganap ang aksidente habang ito ay papalapag na sa Runway 28 ng paliparan.

Tiniyak naman ng pamunuan ng airline company na bukas sila sa anumang pagsisiyasat hinggil sa insidente.

Batay sa pahayag ng ilang testigo, nagkaroon umano ng “bellyflop landing” ang eroplano kung saan sa lakas ng impact ay nahati ang hulihang bahagi ng Boeing 777.

Kasalukuyan naman na dalawa na ang nakumpirmang namatay sa naturang aksidente.

Samantala, una na ring isinantabi ng mga kinauukulan ang anggulo ng terorismo sa pangyayari.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.