ASG vs AFP: 7 sundalo, patay; 21, sugatan

PITONG SUNDALO ANG nasawi habang 21 iba pa ang sugatan makaraang makasagupa ang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) kahapon ng umaga sa bayan ng Patikul, Sulu.

Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, alas-4:30 ng madaling-araw nang tambangan ng mga bandido ang elemento ng 11th Marine Batallion Landing Team sa isang liblib na lugar sa nasabing lugar.

Ayon kay Lt. Col. Randolf Cabangbang, spokesman ng AFP-Western Mindanao Command, nagpapatrolya ang mga sundalo nang bigla si-lang paulanan ng bala ng mga bandido na pinamumunuan nina Radulan Sahiron at Isnilon Hapilon.

Bagama’t dominado ng bandido ang labanan, nagawa pang lumaban ng mga sundalo subalit nabigo sila at sa halip ay namatay ang iba pa.

Isinusulat ang balitang ito ay patuloy pa rin ang labanan sa lugar habang pinangangambahang ma-daragdagan ang bilang ng mga nasawi. Hindi rin nasabi ng militar kung may namatay sa panig ng mga bandido.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.