ASG tumawad ng P12-M, kapalit ng 3 mangingisda

AABOT P12 MILYON ransom ang demand ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) kapalit ng kalayaan ng tatlong mangingisdang dinukot sa Sulu, noong March 19, 2011.

Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, hawak ng mga bandido ang Negros-based fishermen na sina Renato Panisales, Jonard Ocsimar at Wennie Ferrer, pawang empleyado ng Zamboanga-based Mega Fishing Corporation.

Mangingisda sana ang tatlo sa Menes Island sa Sulu nang tangayin ng mga bandido at dinala sa hindi pa matukoy na lugar.

Ayon kay Col. Abraham Bagasin, commander ng scout ranger regiment, tumutulong na sa search and rescue operation ang bagong tatag na Special Operations Task Force na binubuo ng mga tauhan ng scout ranger at special forces battalions katuwang ang 32nd Infantry Battalion ng Philippine Army.

Una nang humiling ang mga kidnapper ng P20-M na naibaba sa P10-M, subalit ngayon ay tig-apat na milyon na kada biktima ang kanilang demand.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.