ASG Sub-Leader Patay Sa Engkwentro

ISANG HINIHINALANG LIDER ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang nasawi sa bakbakan sa bayan ng Tuburan sa Basilan.

Sa ulat na nakara-

ting sa Camp Aguinaldo, kinilala ito na si Suhud Tanajalin.

Ayon kay Special Operation Task Force Basilan Commander B/Gen. Nicanor Dolojan, nakasagupa ng mga sundalo sa pangu-nguna nina 1/Lt Olarte at 1/Lt. Dioneda ang grupo ni Tanajalin.

Narekober sa crime scene ang isang M-653 (baby armalite) na may anim na long magazines para sa M-16 rifle.

Ayon pa kay Dolojan, ang operasyon ay bunsod sa ibinigay na impormasyon ng mga sibil-yan na pagod na sa mga ginagawang karahasan ng bandidong grupo.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.