ASG na may patong na P350K, nalambat

KALABOSO ANG Arabic teacher na umano’y miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) at wanted kidnapper na may P350,000 patong sa ulo matapos ang isinagawang joint operation ng tropa ng PNP at militar malapit lamang sa daungan ng Isabela City, Basilan.

Nakilala ang naarestong rebelde na si Ainbasa B. Jandul alyas “Abdul Baliyung”, 41-anyos at residente ng Barangay Carbon, Malamawi Island, Isabela City sa natu-rang probinsya.

Batay sa report, inilabas ang kanyang monetary reward sa pamamagitan ng joint resolution number 11-2009 kasunod ng tatlong warrant of arrest na hinaharap nito at pagiging wanted din bilang miyembro ng rebeldeng Abu Sayyaf.

Ang suspek ay ang mister ng barangay chairman sa kanilang mismong barangay na si Brgay Chairman Monarasana Jandul.

Nagtatrabaho siya bilang Arabic teacher sa Madrasa Darul Bahar School, isang paaralan para sa mga muslim sa syudad ng Isabela at konektado rin siya sa Basilan Ulaman Supreme Counsil.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.