ASG member naperder sa Basilan

ISA PANG miyembro umano ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na nahaharap sa mga kasong kidnapping at multiple murder ang naa-resto sa Lamitan, Basilan.

Ayon sa report ng Basilan provincial police, nagsasagawa ng check point ang tropa ng pulisya at militar bandang alas-11 ng umaga kahapon sa Barangay Limook nang matiyempuhan nila ang suspek na si Jaddatal Aling Bakulan alyas ‘Abu Jal’ sakay ng kanyang motorsiklo habang dumadaan sa lugar.

Ang suspek ay tauhan umano ni ASG commander Kahadaffy Janjalani at may libu-libong pisong patong sa ulo.

Sa datos, si Aling ay kasama sa mga rebeldeng ASG na responsable sa tinaguriang Balobo massacre at kidnapping na nangyari sa may Barangay Balobo, Lamitan sa probinsiya ng Basilan noong Agosto 2, 2001 kung saan pinasok ng mahigit 40 armadong naka-uniporme ng sundalo ang lugar at dinukot ang 32 mga sibilyan doon.

Sa nasabing insidente, tinali ang mga kamay ng mga biktima habang naglalakad ang mga ito papunta sa bulubunduking bahagi ng probinsiya.

Habang naglalakad ang mga biktima, marami sa kanila ang pinagtataga ng mga rebelde.

Labing-isa sa mga sibil-yan ang namatay at karamihan sa kanila ay pinugutan ng ulo.

Ayon sa pulisya, ilan na sa mga rebeldeng responsable sa naturang karuma-

l-dumal na krimen ang nahuli na ng awtoridad su-balit ilan din sa kanila ang nakatakas nang mangyari ang Basilan jail break noong taong 2003.

Kasama umano sa mga natakas si ASG member Mubin Ibba alyas ‘Abu Black’ na siya umanong mastermind sa naturang pangyayari.

Ang suspek ay dinala na ngayong hapon sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-9) sa Zamboanga City.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.