ASG Member, Arestado

NASAKOTE NG pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang isang notoryus na miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Basilan, kahapon ng umaga

Kinilala ang dinakip na si Abdulpattah Ismael, alyas Patah Ahhamjak.

Ayon kay PNP spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., dakong ala-1:40 ng madaling-araw nang masakote ang bandido sa Barangay Riverside, Isabela City, Basilan.

Inaresto ito sa bisa ng mga warrant of arrest sa mga kasong pagpatay.

Sa tala, sangkot ang bandido sa 2007 beheading  sa mga tauhan ng Marines sa  Al-Barka at kabilang sa mga namuno sa pagpaplano ng 2009 Basilan jailbreak upang itakas si Dan Laksaw Asnawi.

Isinasangkot din ito sa bigong kidnapping sa Sangali, Zamboanga City.

Siya rin umano ang responsable sa pagbili ng mga SAF uniform na ginamit ng mga bandido na umatake sa Isabela City noong 2010.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.