ASG, binabaan ang ransom sa dinukot na negosyante

IBINABA NG MGA kidnappers ng negosyanteng si Largio Tam Delos Santos ang kanilang hinihinging ransom mula sa limang milyong piso sa isang milyon na lamang na dinukot sa Basilan noong Disyembre ng nagdaang taon.

Ayon sa report ng pulisya, unang humihingi ng mga dumukot na mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na pinamumunuan ni Puruji Indama ng dalawampung milyong piso subali’t ibinaba ito sa limang milyong piso, makalipas ang dalawang buwan.

Matatandaan na dinukot ang biktima sa kanyang resort sa Brgy. Lanote, Isabela City, Basilan noong Disyembre 16 ng ASG, kung saan agad na pinulong ni Basilan Vice Governor Alrasheed Sakkalahul, ang local crisis management committee na isiniwalat sa committee ang huling kahilingan ng mga kidnappers.

Hindi naman matiyak ng bise gobernador kung magbibigay ng isang milyon piso ang pamilya ng biktima ng matapos na humingi ang mga ito sa ASG ng katibayan na buhay ang kanilang mahal sa buhay.

(SAMION TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.