ASEAN, ‘wait and see’ sa hidwaan ng ‘Pinas at Tsina – DFA

TAHIMIK PA rin ang Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) sa panawagan na pumagitna na sa namamagitang standoff sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa West Philippine Sea.

Sa pahayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Raul Hernandez na marahil ay ginagalang ng ASEAN ang effort ng dalawang bansa na maresolba ang tensyon sa pamamagitan ng pag-uusap.

“We have not heared anything from ASEAN because maybe they respect that there is a discussion involving the Philippines and China,” ani Hernandez.

Una rito, mismong si Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario na ang nanawagan sa mga ASEAN-member states na makialam na dahil tiyak din umanong maapektuhan sila kinalaunan ng problema.

Kabilang sa mga bansang kasapi ng regional bloc ay ang Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand at Vietnam.

Sa ngayon ay nakabinbin sa ASEAN ang usapin tungkol sa “Code of Conduct in the South China Sea”, ayon sa opisyal.

“Tayo ay kasama sa mga signatories (Code) at sinabi na rin po natin sa ASEAN na dapat mamuno sila sa pag-reresolba sa regional dispute na ito para mapanatili ang kapayapaan at stability sa area na ito,” dagdag pa ng opisyal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.