Asawa ni Krista Ranillo, front lang?!

OLA CHIKKA! NAKAPAGTATAKA kung bakit ganu’n na lang kadali mabalewala ang pagkasagrado ng isang kasal. Hindi ito isang laro na kapag ayaw mo na at hindi ka na masaya ay bibitawan mo na. Hindi iyon basta kapag lumapit ka sa isang

lawyer, mag-file ng petition, tatakbo ang kaso, ibababa ang desisyon, tapos na.

May iba naman diyang magpapakasal para mapag-usapan lang. Ang pagpapakasal ay para sa mga taong nag-iibigan at ‘yung makakasama mo habang buhay.

KATULAD NITONG SI Krista Ranillo na iilang buwan pa lamang sa Amerika ay ilang beses nang ginugulo ang showbiz sa ‘Pinas matapos magpa-interview at magbulgar ng ilang isyu. Una na rito ay ang kanyang pagpapakasal kay Jefferson Niño Lim, CEO ng Island Pacific Supermarket noong August 8, 2010.

Maraming tao ang nagulat dahil sa sandaling panahon ng pag-stay ni Krista sa US ay ikinasal na siya agad at mas marami nga ang nagtaas ng kilay nang mapanood ang interview niya nu’ng isang gabi, kung saan kinumpirma niyang nagdadalang-tao nga siya.

‘Di ba, kakaloka itong si Krista? Pero may mas nakakaloka pang chikka nang malaman ko sa aking super duper reliable na parazzi girl mula mismo sa bakuran ng Dos at malapit na kaibigan ni Niño Lim na hindi raw totoo ang kasalang Krista at Niño.

Nagulat ako dahil may mga litrato namang ipinakita si Krista ng kanilang kasal. Ngunit ang sabi lamang sa akin ng aking parazzi girl: “Ay, naku! Mahirap bang mag-organize ng kasal-kasalan?!”

Huwaaat!! Walang bisa iyon?! Ewan ko lang, huh, sa dinami-rami ng mga intrigang naglalabasan ngayon ay hindi mo na malalaman ang totoo. Tulad na lang nitong hindi naman daw totoong mayaman ang asawa ni Krista, ngayon naman, hindi raw totoo ang kasal nila… sa susunod kaya, hindi rin totoo ang pagbubuntis niya or hindi totoong si Niño ang ama ng ipinagbubuntis niya?

Hmmm… hindi kaya ang lahat ng ito ay isang kasinungalingan lamang at ginagamit lamang si Niño na front ng isang makapangyarihang taong nakaugnay kay Krista?!

‘Yun ay tanong lamang at malalaman din natin ang kasagutan sa takdang panahon… Wapak! Kapayapaan!

NATANGGAP NA NGA ni James Yap ang petition mula sa kampo ng kanyang asawang si Kris Aquino. Nagpatawag pa ng press conference noong isang araw si James kasama ang kanyang laywer na si Atty. Lorna Kapunan.

Kitang-kita ang lungkot sa mukha ni James at pagka-stress sa mga nangyayari. Sa bagay, ikaw ba naman ang tanggalan ng karapatan sa anak mo ay talagang maloloka ka.

Hindi natin masisisi si Kris kung bitawan na niya ang relasyon nila ni James. Ngunit sana’y huwag naman niyang idamay ang relasyon ng mag-ama. Nakalagay sa petition ang hinihiling ni Kris na full custody ni Baby James maging ang pagtatanggal ng surname nitong Yap at palitan ng Cojuangco-Aquino.

Sa isang text message din na natanggap ni James mula kay Kris, hindi niya maaaring makita si Baby James hangga’t hindi pa natatapos ang kaso. Kaya pumalag naman ang kampo ni James.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin mawari kung bakit bigla na lang nagbaho si Kris. Noon ay halos lumuha na siya ng dugo maibalik lamang ang kanyang asawa at maisalba ang kanilang pamilya. Ngunit ngayon, ganu’n na lang siya katibay at

halos parang wala silang pinagsamahan ni James. Maaring pagod na pagod na siya sa pambabae raw umano at pagkakaroon pa raw ng anak ni James sa ibang babae, or maaaring may kapalit na nga talaga sa posisyon ni James sa puso ni Kris.

Walang kahit sino man ang nakaaalam ng totong nangyayari kundi silang dalawa lang. Kaya kahit ano pang sabihin natin ay hindi na natin mababago ang sitwasyon.

Nakakatuwa lang si James dahil sa kabila ng kahihiyang hinaharap niya ngayon ay ipinaglalaban pa rin niya ang kanyang anak… hindi katulad ng iba riyan na ganu’n kadali na lang iabandona ang anak na parang kuting lang kung iwan. ‘Yun na!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino itong pretty actress na mala-anghel ang mukha ngunit hindi naman daw mukhang approachable? Noong nakaraan sa isang presscon, nakita ko nga ang magandang aktres na ito, ngunit nakapagtataka na dalawang press lang ang lumapit sa kanya upang ma-interview. Samantalang itong baguhang young actress ay pinagkaguluhan.

Naisip ko tuloy kung bakit dinedma siya ng press, dahil kaya mukhang masungit siya or sadyang natalbugan na siya ng young actress na ito? Gusto n’yo ng clue? Sige ano nga naman ba ang laban ng taong mabulaklak ang pangalan sa taong tubig. Ha-ha! Pak!

Kung hindi n’yo pa rin mahulaan ay alamin sa aking programa sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30-12 nn, kaya makigulo at maging una sa chikka kasama ang aking mga parazzi girls na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing linggo mula 2:30-3:30 p.m. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

Related Post

loading...

30 thoughts on “Asawa ni Krista Ranillo, front lang?!

  1. sinasabi na nga ba eh totoo ang sabi ng family friend namin which is family friend din nila manny at jinky paquiao. “galawin na ni jinkee ang iba wag na wag lng si krista”. manny says.

  2. front lng talaga un..ung lola na mismo nagsabi…ang isang baluktot ay hindi na maaring ituwid ng isa pang baluktot…oh di ba

  3. AT ETONG MGA MAKAKAPAL NA RANILLOs NA NAgHUTHUT KAY MANNY.BAKET BERGIN BA ANG KRISTA NINYO.AT AYAW NINYONG PAKASAL KAY LIM.HINDI NGA NAMIN ALAM KUNG SINO AMA NG NASA TYAN NI KRISTA

  4. WAG KA NA MAGINGLIS KARNENORTESIMARIEL BOBAH NAMAN INGLIS MO ALANG SENSE.PAREHO SIGURO KAYO NG GURO NI MANNY PAC.IK IK IK IK! KUNG TOTOO NGA NA MAGASAWA SI KRISTA AT LIM IK IK IK KAKAHIYA NAMAN NAKAPAG ASAWA NG DATING KABIT IK IK IK .

    • Bakit ba galit na galit ka? Baka maputulan ka nang litid. Did I hit a nerve? Pananalita mo, kulang ka sa aral. Magkape ka muna kaya. Ay, huwag na lang. Stressed ka na nga pala. Galit sa mundo, galit sa sarili, galit sa mga nakaaangat sa kanya. Relax ka lang. Valium o Prozac, gusto mo? IK IK IK. . . .

  5. GAGAH KA KARNES NORTE MARIEL BOBA KA BA?E KUNG TUNAY NA MAYAMAN ANG MGA LIMS .BAKIT NAGAGALIT LOLA NIYA AT MGA KAMAG ANAK NI KRISTA.E MUKHANG PERA MGA IYON.GAMITIN NGA NINYO MGA UTAK NINYO AT GAGO BA SI LIM NA ASAWA KUNO NI KRISTA NA KUKUHA NG BABAENG PINAGSAWAAN NA NI MANNY PAC.ANG DAMI DAMING MAGAGANDA DISENTE AT MAYAYAMANG PINAY SA CALI.FRONT FRONT FRONT. NAKU JINKEE HUWAG KANG PAPALOKO

  6. KRISTA AND MANNY FOREVER.TAMA SI TITA SWARDING.FRONT LANG ANG LIM.GAGAH KA JINKEEE UBUSIN MO NA PERA NI MANNY DAHIL PAGKA ANAK NI KRISTA PAREHO NA KAYO NG KATAYUAN ANAK DIN NI MANNY IYAN MAS MAGANDA PA SIGURO KUMPARA SA MGA ANAK NINYO.

  7. kung kay MP ang chain of supermarkets na pina-manage sa mga Lim so does that mean pina-manage muna nya si Krista. At least hands on sya sa mga supermarket ni MP. maganda yun. well provided for naman pala sya.

  8. i’m a previous worker in Island Pacific. I met Niño Lim’s parents dahil sa main office ako… ang pangit ng ugali ng nanay nya,very sarcastic and tsismosa… Goodluck sa’yo Krista….

  9. GAGA KA PALANG SWARDINAS KA EH! TAPOS NA KASI ANG ELEKSYON! KAYA KAHIT ANO, PWEDE NA NAMANG GAWIN NI KRISPUTA. NGAYON PA NA MAS POWERFUL NA SILA!!!

  10. Diba buntis si Krista..baka hindi sa bf baka doon sa tunay na may ari ng SUPERMARKET…sino ba ang nag-comment..si MP raw :) Kaya front :) Intriga iyan…….hehehhe…Paglumabas ang baby..malalaman natin..bwahahha!

  11. I am familiar with the Lims. They own a chain of supermarkets. To date, they have 9 branches in South and Northern Cal. Hindi lang food items ang laman, mayroon rin sa paligid na mga dry goods stores at kainan pagkatapos mong mag shopping sa supermarket na pagaari rin nang mga Lims. Mayroon din silang catering service. In short, the family is rich, althogh not as rich as Pacquiao. Ano ang dahilan para magpagamit sila na front lang? Kilalang pamilya sa California na puno nang pawis at hirap para umunlad sa buhay, pinangangalagaan ang kanilang pangalan. Hindi sila stupid para magpagamit lang. Marami sa ating Pinoy ang mapanghusga. Sa halip na ibuhos natin ang ating lakas sa paninira sa kapwa at parang natutuwa pa tayo kapag may nahihirapan sa atin, magtrabaho na lang kaya tayo o subukang kumita para naman umunlad ang ating kalagayan sa buhay at nang huwag maiingit sa kapwa.

    • weird because from what i know and i live in cali, that island pacific chain has been bought by manny pacquiao already….so they dont own that anymore…they just manage the supermarkets…ask the Lims, since you know them

      • Really? Don’t speculate, or better yet, don’t lie. Any sale of property , business or real estate, IS A MATTER OF PUBLIC RECORDS. IN A BUSINESS TAKEOVER, IT WILL BE ANNOUNCED TO FORWARN OTHER CREDITORS OF THE BUSINESS, IF ANY. THERE WAS A FULL PAGE ANNOUNCEMENT IN THE MERGER AND TAKEOVER OF RALPH’S, BELAIR, RALEYS ETC. I’M SURE YOU KNOW THAT, IF YOU REALLY ARE FROM “CALI”. . . . FYI, IF YOU WANT TO DO A RESEARCH, DO IT IN THE COUNTY WHERE IT HAPPENED AND RECORDED. WHERE IS THIS COUNTY, MAY I ASK OR IS IT JUST A PRODUCT OF YOUR IMAGINATION? . . .FROM CALI, HAAAAAH ! ! !

  12. hello people, hindi natin alam ang tutoong story about these people and it’s not proper for anyone (including this kabayotic writer) to pass conclusions and judgment to mere hearsays.

    In short, wag nyong pakialaman ang buhay ng may buhay. Punyeta kayong lahat, mga tsismoso at tsismosa. Sariling buhay nyo ang intindihin nyo.

  13. let’s all give krista a chance.. kung si willie nga ilang beses din nating pinatawad na lalo lang nagpalala ng kanyang hydrocephalus e si krista pa na hindi pa naman talaga napatunayan ang kaugnayan kay pacman. at if ever na totoo man yon, bakit si krista lang ang ating ipersecute? di ba dapat lang na pareho nating tuligsain silang dalawa ni pacman? kaya di umaabante ang bayang magiliw dahil sa double-standard mentality ng mga pinoy at isama mo pa jan ang pagiging utak alimango.

    • GAGA!

      sina ANDI EIGENMANN (taong tubig) at EMPRESS SCHUCK (taong mabulaklak ang pangalan) ‘yan.

      nangyari ito sa presscon nila for PANTENE.

      • 1q2`cra dba rosalinda ang dating show ni carla mabulaklak na pangalan. hunghang. bobita. kapuso ka tlaga.

      • OO nga naman…di ba si carla at andi ang magkasama sa movie. so sila ang may presscon! so sila ang BI!

      • o siya siya si CARLA na kung si CARLA.

        potah ka kapamilya ako, hindi kapuso.

        ikaw ang hunghang, bobitang PILANTOD!

  14. malamang binayaran lang ni pacman si nino, pero ang totoo, SILA pa rin ni krista, at malamang kay pacman ang batang dinadala ni krista ( if ever buntis talaga sya.)

    • tama ka krungkung..kaibigan ng asawa ng kababayan ko si Krista at sinabing front lang ang kasalan na yun. Kay pacquiao daw yung bata. ayaw ipa abort para may baraha sila. ipa DNA kay pag labas

      • sabi ng kaibigan ng bayaw ng kuya ng hipag ng kapitbahay ng utol ng tita ng tito na pamangkin ng lola ng kasama sa trabaho ng kumare ng kababaryo ng kasama sa office ng kumpare ng ninong ng yaya anak ng kumare ng boss ng mayordoma, labandera at kusinera ng bayawn ng byenan ng bilas ng manugang ng tita ng….
        Ganyan ang ibang nagpo-post dito. Hindi naman first-hand witness, nagsasabi ng kung anu-ano na parang TRUTH talaga. How pathetic!!!!! Plain chismis. Destructive.
        Kapag nakarinig, nakabasa, nakapanood kayo ng something, ask yourself, using Rotary Club’s “The 4 Way Test”.
        Para maging fair tayo at hindi makapanira. OK?
        ‘Yon lang.
        Thanks.

Leave a Reply

Your email address will not be published.