Asawa ni Donna Cruz, Kinasuhan ng BIR

SINAMPAHAN NG kasong tax evasion sa Department of Justice (DoJ) ang opthalmologist sa Cebu na si Dr. Potenciano Sto. Domingo Larrazabal III, ang mister ng aktres at singer na si Donna Cruz Yrastorza-Larrazabal.

Sinabi ng BIR na nabigo si Larrazabal na magdeklara ng tamang impormasyon sa kanyang tax returns para taong 2009 hanggang 2011.

Sa pagsisiyasat ng BIR, lumalabas na si Larrazabal ay tumanggap umano ng P29.14 million na professional fee mula taong 2009 hanggang 2011 mula sa PhilHealth, pero ang idineklara lamang niya para sa nasabing panahon ay P4.72 million lamang.

Dapat ay nagparehistro rin umano si Larrazabal bi-lang value added tax payer at nagsumite ng required quarterly VAT returns.

Bunsod nito, aabot umano sa P21.14 million ang halaga ng utang sa buwis na dapat bayaran ni Larrazabal.

Matatandaang Si Donna Cruz, 36, ay ikinasal kay Larrazabal noong September 1998.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.