Asawa, nakasagasa’t nakapatay Sunshine Dizon, sobrang na-trauma!

SOBRANG NA-TRAUMA PALA si Sunshine Dizon sa nangyaring aksidente nu’ng kamakalawa lang, kung saan merong nabanggang babae ang asawa niyang si Timothy Tan at dead on the spot ang babaeng ‘yun. Nakakaloka!

Sakay pa naman si Sunshine nu’ng time na ‘yun na biglang tumatakbong tumawid daw itong babae at hindi na nakaiwas ang asawa niya, nahagip talaga at tumilapon daw ito.

Kuwento ni Mommy Dorothy, sigaw nang sigaw daw si Sunshine na lalong ikinataranta ni Tim dahil siyempre buntis pa ang aktres.

Hindi raw alam ni Tim kung alin ang uunahin niya. Dahil sa sobrang pagkataranta ni Sunshine, kailangan din niyang itakbo ng hospital. Ayaw rin daw niyang ipakita roon si Sunshine at baka lalong lumaki dahil kilala siya.

Kaya dinala raw niya muna sa hospital si Sunshine at pagkatapos nu’n, binalikan na itong babaeng nabangga dahil nakita nga raw niyang hindi na talaga kayang paabutin ng hospital.

Sumuko naman daw si Tim at mabuti na lang naayos daw nila ‘yun sa pamilya ng babae.

Pero kahit si Tim ay na-trauma rin nang husto lalo na si Sunshine.

Tiniyak lang nina Mommy Dorothy na hindi naapektuhan ang pagbubuntis ni Sunshine kaya pina-hospital nila ito.

Nu’ng nakausap ito ng Startalk kinagabihan, medyo okay na raw ang aktres pero sobrang nag-aalala pa rin daw siya para sa asawa niya na nasangkot sa ganu’ng aksidente.

Sana nga naayos na nila iyun para hindi na lumaki pa ang kasong ito ng asawa ni Sunshine.

Abangan n’yo na lang bukas sa Startalk ang panayam namin kay Sunshine tungkol dito. Siguro by that time, malalaman na rin kung baby boy ba o girl ang ipinagbubuntis niya.

NAKITA KO NGA pala si Ervic Vijandre sa presscon ng Johnny Rockets nu’ng kamakalawa lang at mukhang artista na talaga ito, ha! Okay na rin naman daw siyang pasukin ang showbiz kung merong magandang offer sa kanya.

Sinita ko nga siya nang sinabi niya sa isang interview na hindi niya kilala si Dingdong Dantes.

Parang hindi naman kapani-paniwalang hindi niya kilala, ‘di ba?

Ang paliwanag naman niya sa akin, hindi raw niya kilala personally. Hindi naman daw sila na-introduce sa isa’t isa kaya ‘yun ang ibig sabihin niyang hindi niya kilala.

Nu’ng Linggo nga nagkasabay sila roon sa Party Pilipinas pero hindi naman sila nagkabati du’n.

Sabi naman niya sa akin, nahihiya naman daw siyang batiin ito dahil hindi nga sila na-introduce sa isa’t isa. Parang hindi naman daw maganda na lapitan niya ito para batiin at baka hindi naman daw siya sagutin. Kaya alanganin din daw siya.

Pero kung sakaling magkaroon ng chance, babatiin naman daw niya ito dahil nasa iisang network lang naman sila.

Marami nga ang nakapansin nu’ng Linggo na habang ini-interview si Ervic, nandu’n lang daw sa likod si Dingdong na napatingin din sa kanya.

Palagay ko naman magkakaroon din ng chance na magkabati sila, dahil nakapag-move on naman silang lahat.

Ang hindi lang natin sure, kung magkaroon ng pagkakataong magkasama sila sa isang project.

Mamayang gabi na pala ang finals ng Survivor Philippines Celebrity Showdown at dito na magkakaalaman kung sino ang wagi at tatanghaling Ultimate Celebrity Survivor.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

9 thoughts on “Asawa, nakasagasa’t nakapatay Sunshine Dizon, sobrang na-trauma!

  1. Kung tototo ang sinabi ni lolit na iniwan nila muna ang nasagasaan. dapat lang na makulong ang siraulong asawa niya. on the spot dapat sinakay at tinagbo nila sa hospital ang nasagasaan. wrong decision ang tanga niya.

    • yeah, that is leaving the scene of a crime and very illegal. You are not even supposed to move your vehicle sometimes before the police arrives. Pero sa Pinas naman kong sino pa yong may datung, nakaligtas at nakalayas ng walang gasgas. It’s the fact of life in the Philippines and whether anyone agrees or not, this kind of treatment is already considered as one Philippine tradition that nobody can change.

      • I guess the only time you move something from the scene of a crime is when it is life threatening siguro.

  2. belat sau lolit na kamukha ni ronnie carrasco, mga haba baba! Talo ang alaga mong batugan, walang kwenta at insecure skin. Khit kilan d nman cya nanalo skin… Magsama kau ni ervic mong talonan…hahahaha ano, tiyak iyak ka ngaun kc wlang 3M ang alaga mo wla kang mahaharbat sa kanya…

  3. panay ata press release mo kay ervic ah… Puta, mghanap ka nlang ng ibang talent kc maraming galit dyan. Plastic, traydor, aso, wlang sariling dsisyon… 4 sure d yan mananalo mmaya s survivor! Bet ko parin c papa akihiro sato i want him to win… Guys lets support aki!..

  4. kwawa naman nghihingalo na nga ang biktima iniwan pa,bka nkonsensya kya binalikan lalo pat artista ang asawa..dapat sinakay nlng ang biktima at sabay na dinala sa ospital.

  5. naku umasa na sa demanda ang asawa ni sunshine dizon. lalo na at isinulat pa ni lolit na inuna pa si sunshine kesa dun sa nasagasaan. kulong na mawawalan pa ng lisensya bilang piloto.

Leave a Reply

Your email address will not be published.