‘Asawa ko, kasal na raw, bago pa kami ikasal’

Dear Atty. Acosta,

ANO PO ba ang maaari kong ikaso laban sa babaeng nagsa-sabing kasal siya sa aking asawa bago pa kami ikinasal?

Liez

 

Dear Liez,

BAGO MO isipin ang uri ng kaso na maaari mong isampa laban sa babaeng nagsasabi na kasal siya sa iyong asawa bago pa kayo ikinasal, makabubuti kung suriin mo muna kung may katotohanan ang sinasabi niya sa pamamagitan ng pagkuha ng CENOMAR o Certificate of No Marriage mula sa National Statistics Office (NSO). Lalabas ang entry ng kanyang kasal sa iyong asawa kung sakaling totoo ang sinasabi niya. Kung nagkaganoon, ang asawa mo pa nga ang maaaring kasuhan ng krimeng Bigamy sa ilalim ng Artikulo 349 ng Revised Penal Code dahil nagpakasal siya sa iyo nang hindi pa napapawalang-bisa ang kanyang kasal sa nasabing babae. Ayon sa artikulong ito, kung mapapatunayan ang pagkakasala ng iyong asawa sa krimeng Bigamy ay mapaparusahan siya ng anim na taon hanggang labindalawang taong pagkabilanggo (prision mayor). Samantala, ang kasal ninyo ay maaari mong ipawalang-bisa dahil ito ay isang bigamous marriage. Ang bigamous marriage ay void o walang bisa mula pa sa simula ng isang kasal (Artikulo 35, Family Code).

Samantala, kung pagkatapos ng pagsusuri mo ng CENOMAR ay napatunayan mo na hindi totoo ang paratang ng nasabing babae, maaari siyang managot sa krimeng Slander ayon sa Artikulo 358 ng Revised Penal Code, kung ang puri ng iyong asawa ay nasira dahil sa paratang. Ang asawa mo ang dapat na magsampa ng kaso laban sa nasabing babae. Kung mapapatunayan sa kor-te ang kanyang pagkakasala ay mapaparusahan siya ng pagkabilanggo ng 1 araw hanggang tatlumpung araw o multa na hindi tataas sa 200 pesos. Maaari ka ring magsampa o ang iyong asawa ng danyos sa kor-te dahil sa panggugulo na ginagawa sa inyo ng nasabing babae (Artikulo 2217, 2219 [7], Civil Code).

 

Halinang manood ng “PUBLIC ATORNI: ASUNTO O AREGLO” tuwing LUNES, 9:20 pm sa AksyonTV.

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

loading...

One thought on “‘Asawa ko, kasal na raw, bago pa kami ikasal’

  1. Ako po ay 24 atong gulang ng ako po ay nakabuntis, sa pagmamahal ko po at sa kagustuhan kong mabigyan ng pangalan ang magiging anak ko ay nagpagawa po ako ng Marriage Contract at ito po ay naregistro sa taong 2005.
    Nagsama kaming bilang magasawa hanggang sa ako’y nagpasyang magpunta sa Saudi Arabia nuong 2007 upang magtrabaho. Dalawang taon po ang aking kontrata. Ako po ay nakaramdam ng pagbabago noong 2008, bagamat alam ko na me kakaibang nangyayari tuloy pa din po ang padala ko ng pera, hanggang dumating ang hulyo 2009 siya nga po ay umamin sa akin na siya ay nagdadalang tao ng tatlong buwan. Nakauwi po ao ng Nobyembre ng 2009. Gusto ko pong magsampa ng kaso ngunit nangibabaw po sakin ang awa.
    Ako naman po ay may nakilala, bagamat alam nya na kasal ako ay tinanggap nya pa rin ako at minahal ng buo. Di lumaon ay nagpasya kaming magpakasal din sa Munisipyo at biniyayaan ng isang anak.Kami po ay masaya at tahimik na namumuhay ng nalaman ng aking unang asawa na ako nga po ay nagpakasal muli, sya po ay nangakong manggugulo sa buhay ko ngaun lalo na po sa aking asawang na isang guro.

    Sana po ay matulungan nyo ako sa aking katanugan.

    1. Me pagasa po ba na madismiss ang kasong Bigamy sa akin?
    2. Me pagasa po ba akong manalo kung sakaling hindi madismiss ang kasong bigamy sa akin?

Leave a Reply

Your email address will not be published.