‘Asawa ko, kasal na raw, bago pa kami ikasal’

 

Dear Atty. Acosta,

ANO PO ba ang maaari kong ikaso laban sa babaeng nagsasabing kasal siya sa aking asawa bago pa kami ikinasal?

Liez

 

Dear Liez,

BAGO MO isipin ang uri ng kaso na maaari mong isampa laban sa babaeng nagsasabi na kasal siya sa iyong asawa bago pa kayo ikinasal, makabubuti kung suriin mo muna kung may katotohanan ang sinasabi niya sa pamamagitan ng pagkuha ng CENOMAR o Certificate of No Marriage mula sa National Statistics Office (NSO). Lalabas ang entry ng kanyang kasal sa iyong asawa kung sakaling totoo ang sinasabi niya. Kung nagkaganoon, ang asawa mo pa nga ang maaaring kasuhan ng krimeng Bigamy sa ilalim ng Artikulo 349 ng Revised Penal Code dahil nagpakasal siya sa iyo nang hindi pa napapawalang-bisa ang kanyang kasal sa nasabing babae. Ayon sa artikulong ito, kung mapapatunayan ang pagkakasala ng iyong asawa sa krimeng Bigamy ay mapaparusahan siya ng anim na taon hanggang labindalawang taong pagkabilanggo (prision mayor). Samantala, ang kasal ninyo ay maaari mong ipawalang-bisa dahil ito ay isang bigamous marriage. Ang bigamous marriage ay void o walang bisa mula pa sa simula ng isang kasal (Artikulo 35, Family Code).

Samantala, kung pagkatapos ng pagsusuri mo ng CENOMAR ay napatunayan mo na hindi totoo ang paratang ng nasabing babae, maaari siyang managot sa krimeng Slander ayon sa Artikulo 358 ng Revised Penal Code, kung ang puri ng iyong asawa ay nasira dahil sa paratang. Ang asawa mo ang dapat na magsampa ng kaso laban sa nasabing babae. Kung mapapatunayan sa korte ang kanyang pagkakasala ay mapaparusahan siya ng pagkabilanggo ng 1 araw hanggang tatlumpung araw o multa na hindi tataas sa 200 pesos. Maaari ka ring magsampa o ang iyong asawa ng danyos sa korte dahil sa panggugulo na ginagawa sa inyo ng nasabing babae (Artikulo 2217, 2219 [7], Civil Code).

 

Halinang manood ng “PUBLIC ATORNI: ASUNTO O AREGLO” tuwing LUNES, 9:20 pm sa AksyonTV.

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

loading...

2 thoughts on “‘Asawa ko, kasal na raw, bago pa kami ikasal’

  1. dear atty acosta 

           Aq po ay kasal sa noong nov 4,2010 at nrehstro sa nso ng may 23 2011..ang aking pinakasaln ay dting unnalled na nong 2007..jan 2011 ngcmulang mgkagulo ang relasyon nming magaswa nong dhil ang babaeng dating pinaunalled ay nghahabol pa..ndi q lubos maicp na bkit xa nghahabol ay matagal ng wla cla..buntis aq nong panahon iyon at kung ano ano pingsasabi ng babae skin gumgwa xa ng ibat ibang acount para crain aq sa pmilya q at mga kaibgan q..pgkapanganak q nwla nanaman xa ng ilang mga buwan ..tpos mgchachat nanamn xa at my cnsbi xa na kasal daw xa sa sawa q ng 2009 sa cebu daw so ndi aq naniwala sa knya..i think oct. 2012 ng chat ul8 xa sa akin sbi nya dapat q daw mlaman ang katotohnan icheck q daw ang cenomar ng aswa q pra mlaman q ang kahnan..so ndi aq ngatubili nong mga panahong un kz knokombnsi nya aq..cneck q ang cenomar at meron nga pero san juan city cila kinsal..den pinost nya sa fb ung record ng nso copy ng marriage contract nila nkita q don na l8 registration xa at jun 29,2012 den ang isa pang nlman q wla cilang marriage licnse no…cnsbi ng babae sakin kakashan daw nya aq ng  marriage contracted against provisions of law…pgkaka alam q bigamy un…dba ang lalaki ang dpat nyang kasuhn non..?pagktpos nong pnhong knasal kmi wlang nrehstrong kasal maliban sa
     1994 na void na..ndi q eneexpct na mgpapaksal ul8 ang aswa q sa knya dhil ngpaunalled na xa..sana poh ma2lungan nyo aq sa aking problema dhil hanggang ngaun gnuglo parin aq ng babaeng un…

  2. Dear Atty. Acosta

    Tanong ko lang po kung anong pwedeng ikaso sa babaeng mang-aagaw ng asawa,, naaawa n po ako sa asawa ng kapatid ko, dahil ginugulo sila ng babae,, inaagaw ang kapatid kong lalaki..

Leave a Reply

Your email address will not be published.