Artistang mahilig sa foreigner, may bago na namang binabaran sa isang condo!

PARA LANG NGA siyang nagpapalit ng damit every time na may mababalitang bago sa buhay ng artistang ito.

Kaya, hindi na kami nagtaka nang may mag-tsika sa amin na madalas niyang makita ang nasabing artista sa isang condo na katunog ng isang bulaklak ang pangalan.

Akala raw kasi nu’ng kaibigan kong nag-tsika sa akin about it eh, may ka-relasyon ang nasabing artista in showbiz. Eh, sabi ko nga, parang may flavor of the month lang. Kung kelan lang maisipan na type niya na may ka-relasyon siya – ayun pag-uusapan.

Eh, lalo kaming nagulat sa tsika sa amin ng aking kausap. Non-showbiz daw nga ang nakikita niyang may-ari ng nasabing condo kung saan madalas na tumuloy ang nasabing sikat na artista. Dumarating daw ito roon na wala namang kasamang kahit alalay o driver. At madalas na nga raw na du’n ito nag-i-stay sa nasabing condo.

Tinanong ko pa sa kausap ko kung ano ang sasakyang dinadala ng nasabing sikat na artista. Tama naman ang sinabi niyang brand ng sosyal na kotse nito.

At hindi na rin kami nagtaka – nang sabihin ng aking ka-tsika na hindi taga-‘Pinas ang matagal na palang ‘kalaro’ ng nasabing artista sa nasabing condo.

Sabi ko rin – given na ‘yun. Mahilig talaga ang nasabing artista sa foreigners. Depende nga sa takbo ng utak niya.

Hindi ko lang sure kung mahilig sa German sausage ang nasabing artista.

Eh, kung masaya siya sa ganoong klase ng relasyon, sabi ko sa ka-tsika ko eh, hayaan na lang natin siya. ‘Yun nga lang – may mga nade-deceive siyang tao sa image na ipino-project niya sa kanyang mga tagahanga.

(By Pilar Mateo)

loading...

10 thoughts on “Artistang mahilig sa foreigner, may bago na namang binabaran sa isang condo!

Leave a Reply

Your email address will not be published.