Artist Sketch sa Suspek sa Iligan City Blast, Inilabas Na ng PNP

INILABAS NA ng mga kinauukulan ang cartographic sketch sa umano’y mga suspek na may kaugnayan sa naganap na pagpapasabog sa Iligan City na ikinasawi ng tatlong katao at ikinasugat ng mahigit 30 katao.

Ayon kay PNP-Region 10 spokesman Supt Ronie Cariaga, mayroon ding binuo na special investigating team si regional director C/Supt Jufel Adriatico upang mapadali ang paglutas sa naturang kaso.

Sinabi nito na nasa lugar na ang nasabing special team upang tulungan ang Iligan City Police Office sa kanilang isinasagawang pagsisiyasat.

Tatagal lamang umano ang imbestigasyon sa isang linggo hinggil sa nasabing pangyayari, ani pa ni Cariaga

Una nang lumabas ang anggulo na gang war o personal grudge ang motibo ng pagsabog subalit hindi nila isinan-tabi na kagagawan din ito ng mga terorista.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.