Artist sa ‘Kulo’ Exhibit, Inabswelto ng Ombudsman

IBINASURA NI Ombudsman Conchita Carpio Morales ang kasong kriminal laban sa visual artist na si Mideo Cruz kaugnay ng kontrobersyal nitong obrang “Poleteismo” sa “Kulo” exhibit noong Hunyo 2011.

Inabsuwelto rin sa kasong kriminal at administratibo ang mga kasapi ng Cultural Center of the Philippines (CCP) board of trustees na sina Emily Abrera, Raul Sunico, Florangel Rosario-Braid, Jaime Laya, Isabel Caro Wilson, Zenaida Tantoco, Maria Cristina Turalba, Antonio Yap, Carolyn Espiritu at CCP Visual Arts and Museum Division Head Karen Ocampo Flores.

Base sa 30-pahinang joint decision, lumabas na walang probable cause o basehan upang papanagutin ang mga respondents.

Samantala, hindi rin akma ang kasong isinampa nina Manuel Dayrit at Eusebio Dulatas Jr. na lumabag sa paragraph 2 ng Article 201 ng revised penal code si Cruz, sapagkat ito ay maaari lamang sa aktwal na palabas tulad ng pelikula, teatro at moving images.

Sinabi ng Ombudsman na hindi maitutu-ring na obscene at hindi rin pornograpiya ang likha ni Cruz na isang uri ng collage o pinagsama-samang mga larawan ng pulitiko, celebrity, mapa at religious icons na pininturahan at nilagyan lang ng korteng ari ng tao.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.