Arsonista, kalaboso sa Pangasinan

MATINDING GALIT ANG nagtulak sa isang lalaki para sunugin ang tahanan ng kanyang kaalitan sa bayan ng Burgos sa Pangasinan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kalaboso ang suspek na si Leonel Rodolfo, 26 anyos, binata at nakatira sa Brgy. Tambacan, Burgos.

Hinala ng Burgos PNP, personal na galit ang dahilan kung bakit sinunog ni Rodolfo ang bahay ng mag-asawang sina Perfecto At Editha Bain sa nasabi ring lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng kapulisan, nakita ng mag-asawa na natutupok na ng apoy ang kanilang bahay noong Martes ng hapon.

Bagama’t nakatawag ng bumbero, huli na dahil malaki na ang sunog at aabot sa P150,000 ang halaga ng ari-ariang natupok. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.