Arron Villaflor, may panghihinyang na hindi naging sila ni Jasmine Curtis-Smith?!

BAGO BUMALIK noon ng Australia si Jasmine Curtis-Smith para mag-aral, nababalita ang espesyal na relasyon nito kay Arron Villaflor. Klinaro naman sa amin noon ng aktor na hindi sila, pero ‘di niya itinatago na may espesyal siyang nararamdaman para sa nakababatang kapatid ni Anne Curtis at bukas ang komunikasyon nilang dalawa. ‘Di na namin nakumusta paglipas ng ilang panahon si Arron kung tumaas ba ang lebel ng nababalitang pagiging mag-MU nila ng batang Curtis.

Dumating ng bansa si Jasmin at ngayon ay balitang mag-aaktibo muli sa kanyang showbiz career. Balita na si Sam Concepcion naman daw ang bagong nanliligaw o malapit sa puso sa ngayon ni Jasmine.

Sa nakaraang presscon ng Juan dela Cruz, kung saan gumaganap si Arron bilang kapatid sa ama ni Coco Martin at magiging kalaban niyang mortal sa istorya, agad naming kinumusta sa aktor kung ano na ang nangyari sa espesyal na pagkakaibigan nila ni Jasmine. Inamin naman sa amin ni Arron na wala na silang komunikasyon ngayon ng young actress at sa isyung naging sila dati, klinaro agad sa amin ni Arron na dumating lang sa panahon na nagkaroon sila dati ng komunikasyon ni Jasmine.

Hiningan din namin ng reaksyon sa balitang si Sam Concepcion na raw ang taong malapit sa puso nito sa ngayon, agad namang nagbigay-pahayag si Arron na walang problema sa kanya at masaya siya kung magiging masaya nga sina Sam at Jasmine. ‘Di na rin namin gaano pang inusisa si Arron dahil mukhang iwas na rin nitong pag-usapan pa ang dalaga.

Masaya dahil nakabalik sa team ni Sir Deo pagkatapos ng halos limang taon, bukod sa nasabing serye, napapanood din sa PHR Paraiso si Arron bilang nakababatang kapatid naman ni Jessy Mendiola. Labis ang pasasalamat niya sa ABS-CBN dahil sunud-sunod ang mga proyektong ginagawa, kung saan nakapagpapadala siya nang regular at nakatutulong nang malaki sa kanyang pamilya sa Tarlac.

 

ISA SA baguhang artista ang nangangarap na makagawa ng sariling pangalan niya sa showbizness, at ito ay si Norris John. Bida sa pelikulang Gabriel na prinodyus ng kanyang sariling mga magulang bilang pagsuporta sa kanyang pangarap na maging artista. 20 taon at estudyante sa AMA Caloocan at makatatapos na sa darating na Mayo, noon pa man ay pangarap na talaga ni Norris John ang maging artista.

Tulad ng ibang mga artista, marami ring naranasang ‘di maganda si Norris John bago pa natapos ang pelikulang Gabriel. Nandiyang napaghubad siya sa dalawang pelikula na niyang nagawa, pero ngayong tinutukan na ng kanyang pamilya ang pelikulang Gabriel, taliwas sa una nitong na-produce na pelikula para sa kanya ay ipinakita naman ni Norris John ang kakayahang umarte. Kapareha si Joyce Ching ng GMA 7, siya ang gaganap na kasintahan ni Norris John sa istorya.

Mapapanod sa February 6 sa limang sinehan ng SM ang Gabriel, Ito ang Kuwento Ko sa ilalim ng panulat at direksyon ng kapatid namin sa panulat na si Ronald Rafer.

 Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

2 thoughts on “Arron Villaflor, may panghihinyang na hindi naging sila ni Jasmine Curtis-Smith?!

  1. di kaya si arron yung tinutukoy sa blind item dito na may malaking sandata na isa sa cast ng juan dela cruz? kung totoo naku malamang aaray si jasmine hahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.