Arron Villaflor, ‘di type ang daring scenes sa kapwa lalaki

KAHIT NAGPAPA-SEXY na sa kanyang pictorials ang mahusay na actor na si Arron Villaflor, hindi pa rin daw niya kayang ma­ging daring sa mga indie film, gaya ng ­pakikipaghalikan at bed scene sa kapwa ­lalaki.

Aprubado raw rito ang gumanap na bading sa ibibigay sa kanyang proyekto, pero ang magkaroon ng intimate scene sa kapwa niya lalaki ay hindi pa niya ka­yang gawin. Hindi naman daw siya against sa mga artistang pumapayag sa gano’ng klaseng eksena, pero hindi niya raw sa ngayon nakikita ang kanyang sarili sa ganu’ng eksena.

Okey lang daw sa kanya ang may eksenang topless or kissing scene sa artistang babae, pero hindi pa raw nito kaya ang  magpakita ng bukol o maglantad ng puwet at magpasilip ng pubic hair sa pelikula.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Arron Villaflor, ‘di type ang daring scenes sa kapwa lalaki

  1. SORRY TO SAY BUT THIS AARON IS GETTING UNIMPRESSIVE FOR HIS ROLE IN JUAN DE LA CRUZ. HE TENDS TO OVERACT IN SOME SCENES AND FACIAL EXPRESSION IS SOMETIMES DISTRACTING

Leave a Reply

Your email address will not be published.