Arrest Warrant Vs. Palparan, Inilabas na

NAKAHANDA UMANONG harapin ni retired Major General Jovito Palparan ang kasong two-counts ng kidnapping at serious illegal detention na isinampa laban sa kanya ng gobyerno.

Ayon mismo sa dating

heneral, tiniyak nitong hindi niya tatakbuhan ang warrant of arrest na inilabas laban sa kanya ng Malolos Regional Trial Court sa lalawigan ng Bulacan.

Si Palparan ay ina-akusahang nasa likod sa pagdukot sa dalawang estudyante ng University of the Philippines na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno noong taong 2006.

Matatandaang kamakalawa, sinasabing tinangka ni Palparan na pumuslit palabas ng bansa.

Lulan na ng SeaAir sa Diosdado Macapagal International Airport ang kontrobersiyal na former military official nang ipag-utos ng mga immigration officers ang paglabas nito sa eroplano.

Bagama’t nagpaso na ang watchlist order laban kay Palparan, subalit wala pa umanong natatanggap na direktiba ang Bureau of Immigration na ito ay binabawi. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.