Arrest Warrant vs CGMA, malabo pa – sandigan

 

HINILING NG Ombudsman sa Sandiganbayan ang agarang pagpapalabas ng warrant of arrest laban kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay sa kinakaharap nitong kasong Plunder.

Sa naging unang pagdinig ng kaso ng Sandiganbayan First Division kahapon, sinabi ni Atty. Diosdado Calonge, prosecutor ng Ombudsman na kahit may ipinalabas nang hold departure order ang Sandigan, hindi pa rin tiyak na mananatili sila sa bansa lalo na kung hihingi ng permiso sa korte.

Ayon naman sa abogado ni dating Pangulo GMA na si Atty. Christian Diaz, hindi pa puwedeng mag-isyu ng warant of arrest dahil hindi pa natatapos ng Ombudsman ang preliminary investigation (PI) nito at karapatan ng kanyang kliyente na makumpleto ang PI bago tuluyang arestuhin.

Submitted for resolution na ang lahat ng 10 pending motions ng mga akusado sa Plunder case na may kinalaman sa umano’y iligal na paggamit ng P366 milyong intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) mula 2008 hanggang 2010.

Samantala, pinawi naman ni Sandiganbayan Spokesman Renato Bocar ang pangamba ng mga kaalyado ni Ginang Arroyo na agad magpalabas ng warrant of arrest ilang oras lamang matapos itong makalabas ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Matatandaang nakabinbin pa sa Sandiganbayan First Division ang kasong Plunder na inihain ng Ombudsman laban kay Arroyo at sa iba pang akusado sa kasong pagwaldas ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kaya malabo ang hinihiling na bagong warrant of arrest sa dating pangulo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.