Arraignment sa Plunder Case Kontra CGMA, Tuloy

TULOY ANG pagharap ngayong araw ng da-ting pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa kor-te para sa arraignment ng kanyang kasong Plunder.

Ayon kay Atty. Raul Lambino, inihayag ng abogado na habang hinihintay nila ang resolusyon ng Supreme Court sa inihain nilang petition for certiorari, kailangan umanong sumunod ng dating pangulo sa court proceedings.

“Kailangang dadalo roon ang dating Pangulong Arroyo para maghain ng kaukulang plea. Kami ay haharap at lahat ng mga kaso laban sa dating pangulo, haharapin niya iyan,” ani Lambino.

Ang nasabing kaso ay kaugnay sa sinasabing maanomalyang paggamit sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

“Naghihintay kami ng abiso mula sa Korte Suprema kung ano ang magiging outcome sa inihain naming petition for certiorari at prohibition, dahil kinukuwestyon namin ang ginawa ng Office of the Ombudsman.”

Lumalabas naman sa panig ng Sandiganbayan, sinabi ni spokesperson Renato Bocar na hangga’t wala umanong temporary restraining order ang SC sa gagawing arraignment sa kaso ni Ginang Arroyo, tuloy umano ito ngayong araw ng Lunes. (PARAZZI RE-

PORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.