Arraignment Kay Ex-PCSO Chairman Morato, Ipinagpaliban Na Naman

MULING IPINAGPALIBAN ng korte ang pagbasa ng sakdal kay dating Philippine Charity Sweespstakes Office (PCSO) General Manager “Manuel” Manoling Morato sa kasong electioneering.

Sinabi ng abogado ng Commission on Elections (Comelec) na si Atty. Charlie Yap na ito’y dahil sinabi ng doktor ni Morato na si Dr. Maria Adelaide Dy na nagpapagaling pa ang dating PCSO chairman matapos magka-pneumonia.

Dahil dito, itinakda ang panibagong arraignment sa Abril 2, alas-8:00 ng umaga.

Samantala, apat na bilang ng kasong electioneering ang kinakaharap ni Morato dahil sa paggamit umano ng kanyang TV show para ikampanya ang 2010 presidential candidate na si Gilbert Teodoro at vice-presidential bet na si Edu Manzano.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.