Arnold Clavio, ‘di napanindigan ang panglalait sa Azkals?!

MAPANGLAIT ANG naging dating ng mga salitang binitiwan ni Arnold Clavio laban sa mga Azkals.

Marami ang hindi ma-take ang litanya ng TV host at radio commentator sa Unang Hirit kung saan nag-comment siya against Azkals na “hindi naman kayo Pilipino”, “nagpapanggap lang kayong kayumanggi”, “hindi ko kayo kakultura”, “ang yayabang n’yo porke’t dinadagsa kayo ng fans”.

To the defense naman kaagad si Angel Locsin and through her Twitter account na 143redangel ay sinabi niyang bagama’t nirerespeto niya ang beteranong TV host, foul naman ang pinagsasabi nito.

I think arnold clavio’s a good person. But this time, sobrang foul lang. That’s his opinion. This is mine. Madali lang sumira ng reputasyon, mahirap ibalik. Konting sensitivity lang sana,” tweet ni Angel.

Teka, paano mo nalamang nagpapanggap lang na kayumanggi ang mga Azkals, Arnold?

At ang Arnold, mukhang hindi napanindigan ang kanyang katapangan. Bigla siyang nag-sorry dahil sa mga “hindi angkop na salita” na kanyang nagamit.

Matinding batikos kasi ang inabot ni Arnold sa football fans kaya no choice siya kung hindi ang humingi na paumanhin.

NALOKA ANG marami sa drama ni Maja Salvador kamakailan.

Nang magkaroon kasi ng break sa taping niya ng Lumayo Ka Man Sa Akin, biglang nagsabi ang young actress na magsi-shopping muna raw siya. Sa loob kasi ng isang mall sa Laguna ang kanilang location.

So, biglang lumabas si Maja sa kanyang tent at nag-ikot sa mall kasama ang isang alalay.

Nang bumalik siya sa kanyang tent ay wait ang mga staff kung ano ang pinamili ng aktres. Naloka sila nang wala naman itong bitbit na kahit isang bagay.

Still on Maja, nakita ng director nila ang make-up artist ng dalaga na natutulog. Napagkatuwaan ito ni direk at kinunan ito while sleeping. Pinalibutan ng production staff ang make-up artist at sumigaw ng ‘cut!” si direk. Hindi pa rin nagising ang lokah. Nakailang sigaw si direk hanggang sa magising na ang make-up artist na tawa lang nang tawa sa playtime na ginawa sa kanya.

BLIND ITEM: Surprised-to-the-max daw ang isang sikat na personality sa fabulosang balaysung na gift sa kanya ng kanyang dyowa.

Wiz raw makapaniwala ang hitad na magbibigay sa kanya ng mamahaling mansiones ang kanyang dyowa dahil super mahalia mendez nga naman ang worth nito.

What she probably didn’t know is originally ay hindi raw para sa kanya ang housing authority. Para raw sa ibang tao.

Ang nangyari kasi, may nagtsutsu sa personality na ang suwerte-suwerte nito kasi nga may housing na pinagagawa para sa kanya ang kanyang papa. Kaso, hindi pala na-mention ito ng kanyang dyowa kaya clueless ang lokah.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleAngelica Panganiban, umaalma sa ‘panggagamit’ sa kanya!
Next articleAngel Locsin, umalma kay Arnold Clavio!

No posts to display