Arnell Ignacio, type na type si Enchong Dee

Arnell Ignacio

Arnell Ignacio

Even if it’s been months since they called it quits, inamin ni Arnell Ignacio na nami-miss pa rin niya si Ken Psalmer.

“Ang galing kasi niya, eh!” makahulugang sambit ng TV host-comedian, refusing to go into detail kung paano at saan magaling ang kanyang ex-boyfriend.

Sa ngayon, loveless si Arnell Ignacio , pero meron daw nagpapalipad-hangin sa kanya, “Ano pa, ‘Day?! As in meron akong manliligaw, kaso, ayoko pang ma-in love uli. Na-trauma yata ako kay Ken.”

Nang kulitin daw siya ng kanyang bagong suitor kung sino ‘yung Ken na ex-dyowa niya, ipinakita ni Arnell ang naka-save pang picture nito sa kanyang cellphone. “’Day, naloka ako…kilala rin pala ng manliligaw ko si Ken! Sabi ba naman ng p…tah, ‘’Yan ba ‘yung ex mo? Eh, nag… na kami niyan, eh!’ Hay, naku!” natatawang sey na lang ni Arnell.

Pero kung meron daw magpapatibok muli ng kanyang puso, “Ang type ko talaga, eh, si Enchong Dee. ‘Di ba, ang bet ko, eh, ‘yung medyo lalamya-lamya? Naku, kung hindi lang ‘yon artista, talagang niligawan ko si Enchong Dee!”

Ang tanong, is he Enchong’s type? Let me rephrase the question: pumapatol ba naman si Enchong sa kapwa lalaki?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.