Arnell Ignacio, super enjoy sa Japan!

NAG-ENJOY NANG HUSTO sa kanyang Japan trip ang magaling na comedian/host at successful businessman na si Arnell Ignacio sa almost one month na show at bakasyon grande na rin mula sa kanyang dami ng trabaho bilang performer, businessman at sa kontrobersiyang kinaharap nito sa tatlong pulis kamakailan.

“Sobrang sarap ng one month ko sa Japan. Hindi ko nga napansin na one month na sa sobrang saya ng show ko. Dapat nga ilang linggo lang ako, pero napasarap talaga kaya nag-extend ako. Hindi ko rin nga napansin na trabaho ‘yung pinunta ko sa Japan, kasi nag-enjoy talaga ako. Feeling ko, nakahinga ako. Kumbaga, na-recharge ako ulit sa dami ng trabaho ko sa Pilipinas at sa kontrobersiyang napasukan ko kaugnay sa tatlong pulis. Kung ako nga ang masusunod, ayoko munang bumalik ng Pilipinas, pero na-realize ko, marami akong gagawin kaya kailangan ko nang umuwi.”

Ilan sa lugar na pinuntahan ni Arnell ang Roponggi, Omentasando Hills, Nagoya, Osaka, Nagatoro, Chichibu, at Kyoto. Habang kumain naman daw sila sa sosyal at isa ipinagmamalaking coffee shop sa Japan, ang Bulgari Coffee Shop sa Horikawa at nag-stay siya ng isang buwan sa Penthouse ng Renai Aqua Parks sa Nerima Tokyo.

At habang nasa Japan si Arnell, marami itong nakilala at naging mga bagong kaibigan katulad nina Abby Watanabe, owner ng Karaoke Kan with 106 branches sa Japan, at Luisa Kondo, owner ng Worldcom Japan/concert producer.

“Nadagdagan na naman nga ‘yung mga new friends ko sa Japan, ‘di lang basta-basta ang mga iyon kasi mga super rich at mga sobrang bait talaga. Mga kapwa Filipino natin sila na nakapag-asawa ng Hapon at maunlad ang mga negosyo. Very inspiring nga ang mga kuwento ng kanilang success na talaga namang ‘pag narinig mo, magiging maganda ang pananaw mo sa buhay at talaga namang mai-inspire kang mag-negosyo at kung papano ito palalaguin.”

Happy pa si Arnell dahil nakita niya roon si Suzuki Sadatsugu na na-link sa kanya at sinamahan nitong mag-audition sa Pinoy Big Brother, at ang pagkakapili sa kanya para maging celebrity endorser ng Speed Money Transfer .

 

By John Fontanilla

TRIP NG STAR!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.