Arnell Ignacio, pumila sa harap ng bahay ni Michael Jackson – Julie Bonifacio

TUWANG-TUWA SI Arnell Ignacio pagdating niya  ng ‘Pinas dahil  sinalubong agad siya ng offer mula sa TV 5 to do a cooking show. Kakaibang cooking show raw ang gagawin niya sa TV 5 na tiyak na ikawiwindang ng mga cooking show sa ibang TV network.

Ngayon pa lang ay  may tsikang balak na ng GMA-7 na  gayahin at unahan ang nilulutong cooking show ni Arnell sa TV 5. Kung sabagay, may balita nga raw na ‘yung Pinoy Records ng GMA7 ay gagayahin na ang format ng very successful na Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo sa TV 5.

Anyway, nagkwento naman si Arnell ng mga kaganapan ng  show niya sa abroad. From London para sa show ng GMA7, fly na siya papuntang US at nagshow siya for the first time kasama ang Superstar na si Nora Aunor sa Anaheim.

Naloka si Arnell sa husay na ngayong tsumika sa stage ni Nora. May mga naiyak pa raw sa audience nu’ng makita si Nora. Ibang-iba na raw si Nora ngayon kapag nasa stage.

“Di ba dati si Nora kakanta lang tapos bahala na. Ngayon, tsumitsika na at hindi lang basta tsika, magaling! Ay , siya lang mag-isa, kanta siya. Humingi pa siya ng mainit na tubig at ipinagpakulo ko siya ng tubig. E, di tumira, kanta. Kanta siya. Susunod na spiel niya tungkol sa green card, na may green card na  raw siya. Binigay na sa kanya. Gusto raw niyang umuwi hindi siya makauwi. Tinatanong ang bawat isang tao kung ano ang masasabi  nila. Ang galing ni Nora Aunor doon. ‘Yun na ang show niya, ang haba-haba at doon lang ang concentration, ha,” manghang-manghang kuwento ni Arnell about Nora.

Super proud din na ang kuwento si Arnell na siya at ilang kasamahan niya sa show sa US gaya ni Gladys Guevarra ang kauna-unahang Pinoy entertainer ang nakatayo sa gate ng bahay ni Michael Jackson sa Sta. Barbara. Naganap ito pagkatapos matigok ng King of Pop.

Regine Velasquez, may sarili nang perfume line

Halos lumuwa na ang boobs ni  Regine Velasquez sa suot niyang purple gown sa launching ng bago niyang perfume sa Bench na Reigne at Songbird sa  SM Mall of Asia last Friday. Si Regine mismo made fun of herself and her gown. Ganu’n daw talaga ang suot niya kpag pumupunta siya sa mall, naka-casual dress na sinakyan naman ng crowd.

Mukhang nahawa na ng sense of humor si Regine sa kanyang long-time partner na mang-aawit at komedyanteng si Ogie Alcasid who, incidentally, ay naroroon din sa launching ng perfume ni Regine for Bench. Si Ogie rin ang nagsilbing personal photographer ni Regine sa event.

Nu’ng kakantahin na ni Regine ang awiting And I Love You So hindi na siya nakatiis na ‘di tawagin si Ogie  na ‘friend’ on stage at saka nag-kiss sila sa lips. Bukod sa ‘friend,’ tinawag din ni Regine na ‘Honey’ si Ogie. And during the interview kay Regine after ng launching,  tinawag naman niyang ‘Baba’ si Ogie.

Kinumpirma rin ni Regine ang  pagpunta nila ni Ogie sa Australia para um-attend sa kasal ng ex-wife ng singer/comedian na si Michelle Van Eimeren sa boyfriend nito na si Mark Murrow. At the same time, birthday rin daw ng panganay ni Ogie na si Sarah.

“Naawa na rin kasi ako sa kanya dahil matagal na siyang hindi nakakapunta ng Australia kaya sasama rin ako sa kanya,” sey ni Regine.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

3 thoughts on “Arnell Ignacio, pumila sa harap ng bahay ni Michael Jackson – Julie Bonifacio

  1. Julie babaje Bonifacio ang bayarang writer ng EBS-CBN!

    wowowee 0-2 SCAM, repossessed house and lot, MMK-UPLB imbentong story, solar eclipse, wins network etc

    imbestigador-xxx; bubble gang-banana split etc

    kaya huwag magmalinis!

Leave a Reply

Your email address will not be published.