Arnell Ignacio, probinsiyanong indie actor ang ipinalit kay Suzuki Sadatsugu!

MUKHANG GOODBYE NA talaga sa buhay ng magaling na comedian/businessman na si Arnell Ignacio ang Japinoy model/actor na si Suzuki Sadatsugu na minsan ring nag-ingay sa showbiz nang ma-link kay Arnell at nagkasunud-sunod ang trabaho.

Pero  nang matigil ang issue o romansang namamagitan sa dalawa, na si Arnell na rin ang nagdesisyon, at mawalan ng career ang ex-Survivor na si Suzuki,   minabuti   na lang nito na   bumalik ng  Japan   at doon magtrabaho.

At dahil wala na sa buhay ni Arnell si Suzuki, mabilis namang nakahanap si Arnell ng kapalit ng Japinoy at ito ay ang Pinoy na Pinoy at hunk na miyembro ng Hotmen na si Kenneth Salva na tubong-Davao at tinanghal na Man of the Year 2010.

Nagkakilala raw si Arnell at Kenneth sa isang indie film kung saan sila magkasama.

Tsika nga ni Arnell, tawa siya nang tawa nang kunan ang kani-lang love scene dahil damang-dama nito ang panginginig ng katawan ng probinsiyanong new indie actor nang maglapat ang kanilang mga labi.

“Naku, John, tawa ako nang tawa kasi virgin na virgin ang bagets! Hahahaha! Kasi nang kunan ‘yung love scene namin, nanginginig ito at nang tanungin ko, sabi first time niya raw nakipaghalikan sa kapwa lalaki, hahaha!

“Biro ko na lang, anong lalaki? Hindi ako lalaki, ‘no?! Babae ako! Hahaha! Natawa na lang ang ba-gets. Feeling ko, after that eksena, gusto ko na siya, hahaha!”

After nga raw ng kanilang shooting, kinuha ni Arnell ang cell number  ni  Kenneth  at  na-ging constant textmate na sila, na kung minsan ay nagtatawagan at nag-uusap. At mukhang ito na nga yata ang papalit kay Suzuki sa puso ni Arnell. ‘Yun na!

 

MAGKAHALONG KABA AT excitement ang naramdaman ng mainstay ng Tween Hearts at ng Walang Tulugan with the Master Showman na si Hiro Magalona nang makaharap nang personal si Claudine Barretto sa plug shoot at pictorial ng Iglot, ang pinakabagong fantaserye ng GMA-7.

‘Di raw maiwasang humanga ni Hiro sa ganda at kabaitan ni Claudine, kung saan lagi raw nakangiti ang magaling na aktres. First time lang daw kasing nakita nang personal ng young actor si Claudine at napapanood lang niya ito sa TV, at ‘di inaasahang makakasama at makakatrabaho pa. ‘Di pa raw siya artista ay gandang-ganda na siya kay Claudine na noo’y nasa ABS-CBN pa. Kaya naman daw flattered at happy siya na makasama si Claudine sa Iglot, dahil isa ito sa kanyang hinahangaang aktres sa bansa.

 

UNTIL NOW AY friendship pa rin daw ang pinagsasamahan ng bida ng danserye ng GMA-7 na Time of My Life na si Kris Bernal at ng singer na si Jay Perillo.

Ayon kay Kris, hindi naman daw niya inililihim na si Jay ang isa sa pinaka-close na lalaki sa kanyang buhay, dahil bukod daw sa mabait ang binata, napaka-gentleman pa.

Inamin din nito na lumalabas-labas  sila ni Jay dahil wala namang masama. Pareho naman silang single at walang karelasyon sa ngayon. Barkada raw ang turingan nilang dalawa kaya hindi raw totoong sila nang dalawa. Kung saka-sakaling magiging sila na, aaminin naman daw ni Kris, dahil pareho naman silang walang sabit. ‘Yun nga lang, hindi pa at mas click sila ngayon as magkaibigan. ‘Yun na!

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Arnell Ignacio, probinsiyanong indie actor ang ipinalit kay Suzuki Sadatsugu!

  1. echos ka nman Jay perillo , nalaos ka nga sa Star In A million tapos ma feeling ka pa ngayon, feeling sikat ka? at yang si kris bernal etitzzzz lang nman habol nyan kht sino papatulan

  2. salamat hiro good choice ka sa hinahangaan mong artista,may taste ka,galingan mo kung makaeksena mo si claudine dahil hindi yan nanadya pero lumalamon yan ng kaeksena..

Leave a Reply

Your email address will not be published.