Arnell Ignacio, out sa dance show ng TV5

Arnell-IgnacioHINDI RAW masama ang loob ni Arnell Ignacio kung sakaling hindi siya kasama sa  bagong dance show ng TV5, ang Celebrity Dance Battle, kung saan ang magiging co-host ni Congresswoman Lucy Torres ay ang Semerad Twins.

Maaalalang isa sa co-host noon ni Lucy si Arnell sa dance show ng TV5, kaya naman marami ang nagtatanong na bakit hindi siya isinamang muli. Sa bagong dance show na ito, magtatagisan sa galing sa paghataw sa dance floor ang mga celebrity na sina Priscilla Meirelles, Valerie Concepcion, Gary David at Kevin Balot.

At ang tanging na-retain sa dating dance show ay ang mga dati na ring resident judges na sina Edna Ledesma at si Douglas Nierras. Habang guest judge naman ang mahusay na aktres, host at dancer na si Giselle Toengi.

 

NGAYONG ARAW Feb. 14 magaganap ang Valentine Dating Game ng Starmall Alabang kung saan ang Tween Star na si Teejay Marquez ang hahanap ng kanyang lucky girl na kanyang makaka-date .

Habang ang Anak Ko ‘Yan! at Walang Tulugan teen co-host na si Joshua Joffe naman ang hahanap ng naggagandahang babae na kanyang makaka-date sa Starmall Las Piñas sa isang Valentine Dating Game ngayong Feb. 14.

Habang isang Post-Valentine Dating Game naman ang magaganap sa SM Bacoor sa Feb. 16 na hatid ng Unisilvertime at ng Cardams. Maghahanap ng makaka-date sa araw na iyon ang mga Unisilvertime image models na sina Kate Lapuz at Teejay, kung saan magiging espesyal na panauhin ang grupong UPGRADE, Barbie Forteza, Enzo Pineda, Ken Chan,  Joshua Dionisio at ang Nocturnal Dance Group na pare-parehong magbibigay-aliw sa mga manonood.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.