Arnell Ignacio, nag-fundraising para sa naabusong MMDA traffic enforcer!

GOOD SAMARITAN talaga ang host/ comedian/ businessman na si Arnell Ignacio dahil isa ito sa unang naapektuhan nang mapanood ang video ng pananampal ni Robert Blair Carabuena sa matandang  MMDA traffic enforcer na si Saturnino Fabros, kung saan marami ang bumatikos kay Robert sa ginawa nitong pananampal sa kaawa-awang traffic enforcer.

Kaya naman bilang tulong nito sa kahabag-habag na sinapit ni Mang Saturnino, nag-fundraising ito sa Twitter, kung saan ilang minuto lang ay nakakalap ito ng almost P50k bukod pa sa ibibigay nitong P15k na galing mismo sa kanyang bulsa.

Kuwento nga ni Arnell, kaya niya raw ginawa ito ay gusto raw kasi nitong makatikim naman ng kaginhawaan sa buhay si Mang Saturnino at ang tatlong babaeng anak nito na hindi raw naiwasang maiyak nang makita ang video kung papanong sinaktan ang kani-lang ama.

Isa sa nahingan ng tulong ni Arnell ay ang Master Showman himself na si Kuya Germs na isa pang laging bukas ang palad sa pagtulong, lalo na nang marinig nito ang kuwento ni Arnell tungkol sa nangyari kay Mang Saturnino.

 

NAKAKATUWA NAMAN ang Aryana star at isa sa ginu-groom ng ABS-CBN for stardom na si Ella Cruz, dahil imbes na mag-celebrate ng magarbong 16th birthday ay mas pinili nitong tumulong na lang at mag-share ng blessings sa mga kababayan nating nasalanta at binaha dahil sa habagat.

Wala na rin daw mahihiling pa si Ella sa kanyang kaarawan kung hindi good health na lang sa kanya, sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay. Tsika pa nito, ibinigay na ng ABS-CBN ang dati pa at hanggang ngayong wish, ang magkaroon ng sariling show.

Kaya naman daw happy na siya nga-yon sa ma-gandang tinatahak ng kanyang career at sobra-sobra ang pasasalamat sa pamunuan ng Kapamilya Network. Isa pang nagpapasaya kay Ella ang balitang extended ang kanyang top-rating show na Aryana hanggang January 2013.

 

MASAYA ANG Fil-Canadian singer at tinaguriang Canada’s Singing Sweetheart na si Ethel Rose Amistad dahil na rin sa nominasyong “Best New Female Recording Artist” nakuha nito sa gaganaping Star Awards For Music sa Meralco Theater sa September 9, 2012 at mapapanood sa ABS-CBN.

Ayon nga kay Ethel nang makausap namin sa telepono, “I’m very thankful to all the people behind Star Awards For Music for choosing me as one of  their nominee for Best New Female Recording Artist.”

Kung hindi mababago ang plano at walang shows si Ethel sa USA at Canada sa September, baka raw um-attend ito sa awards night. Pero ‘pag hindi raw ito nakauwi  dahil na rin sa mga natanguan nitong commitment sa Amerika at Canada, nangako naman ito na after ng kanyang mga commitment ay babalik siyang muli sa Pilipinas nang mas matagal para mas ma-promote pa ang kanyang album at magkaroon ng konsiyerto.

 

SIMULA NOONG Linggo, may bago nang kasama ang hosts ng Game ‘N Go na sina Edu Manzano, Joey De leon, Arnell Ignacio, Gelli De Belen, atbp. Kung saan nakigulo ang mga guwapong leading men ng TV5 na sina JC de Vera, Victor Silayan at Edgar Allan Guzman.

Pati na rin ang TV5 Princesses na sina Eula Caballero, Ritz Azul at Arci Muñoz ay nakigulo rin sa inyong kuwela Sunday tropa. Bukod sa hosting ay sumabak din ang mga young star ng TV5 sa mga nakakalokang games ng sikat na noontime game and variety show na napapanood tuwing Linggo, 12nn sa Kapatid Network.

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

6 thoughts on “Arnell Ignacio, nag-fundraising para sa naabusong MMDA traffic enforcer!

  1. Arnel Bayot ,,, bago ka sana nag pa fund raising jan sa MMDA traffic na yan eh nag pa imbistiga ka muna… Kilala mo ba yan.. karamihan sa MMDA traffic Enforcer eh BUWAYA sa kalsada.. REPEAT buwaya sa kalsada… Baka karma sa kanya yan  dahil buaya sya sa kalsada. Arnel Bayot kakandidato ka rin ba next year….Palagay ko mas maraming natuwa sa ginawa ni Carabuena. Anong say mo Bayot supot  Ignacio.

Leave a Reply

Your email address will not be published.