Arnell Ignacio, inuulan na naman ng death threats sa text!

IBINALITA NI ARNELL Ignacio na sa Oct. 21 na raw matatanggal sa posisyon ang tatalong pulis na inihabla nito at after daw nito ay haharapin naman ng tatlong pulis ang isa pang kaso na isinampa nito (criminal case) na ayon kay Arnell ay maaaring makulong ang mga nasabing pulis.

“Ayun sa October 21 matatanggal na sila sa posisyon, tapos may isinampa akong isa pang kaso sa kanila na kanilang haharapin. Du’n puwede silang makulong.”

Hindi ka ba natatakot? “Hindi naman, kasi alam ko naman ang pinaglalaban ko, alam kong nasa tama ako. T’saka lagi naman ang may bodyguard. Ngayon nga, sunud-sunod na naman ang dating ng death threat sa akin habang nagra-radyo ako.”

Anong nakalagay sa text? “Nakalagay sa text na baka ako na raw ang susunod na mababaril.”

Kilala mo ba kung sino ang nagpadala ng message? “Hindi nga, eh! Number lang at walang pangalan, pero ini-report ko na sa Crame at inaalam na nila kung kanino galing ‘yun.”

Masusing pag-iingat na lang daw ang ginagawa ni Arnell lalo na’t painit nang painit ang kasong kinahaharap nito sa tatlong pulis. Hindi nga raw lumalabas ng bahay si Arnell na hindi niya kasama ang kanyang bodyguard para protektahan siya.

 

JUNIOR BAD BOY ng Dance Floor ang taguri sa nagbibinata nang childstar na si Julian Trono na regular na napapanood sa Party Pilipinas at sa Futbulilits, at nasa pangangalaga ng Focus E na pag-aari ng kaibigang Joy Cancio.

At katulad daw ni Mark Herras, isa si Julian sa pambato ng Kapuso Network pagdating sa hatawan sa dance floor at talaga namang may killer moves na paniguradong mapapamangha ka ‘pag napanood mo siyang sumayaw.

Kaya naman daw flattered nga raw si Julian everytime na may magsasabi sa kanya na little Mark Herras siya dahil alam naman daw nito kung gaano kagaling sumayaw si Mark. Pero hindi lang daw pagsasayaw ang kayang ipakita ni Julian dahil kahit sa pag-arte ay pasable rin ang acting nito. Marami nga ang nagsasabing kahit bata pa si Julian, may lalim na itong umarte na naipakita niya sa Futbulilits.

 

GINANAP ANG AMAZING Philippine Beauties 2011 photo and video shoot/ presscon sa Hotel Sofitel, kung saan rumampa ang naggagandahang candidates nito.

Halos karamihan ng mga kapatid sa panulat ay namangha at nanlaki ang mga mata sa sobrang ganda at sexy ng mga kandidata. Tsika nga ng mga ito na mas magaganda, flawless at sexy na ‘di hamak ang mga ito kum-para sa mga naging kandidata ng Bb. Pilipinas, Ms. Earth Philippines at Ms. World Philippines, kung saan ang nagwagi last year ay ang look-a-like ni Angel Locsin.

Magaganap ang kanilang Pre-Pageant Night sa Nov. 12, 2011 at ang Coronation Night ay sa Nov. 19 sa Manila Film Center, CCP Complex, Roxas Blvd., Pasay City. At ito’y hatid ng Center For Philippines Arts & Cultural Entertainment Ass. Inc. at sa pakikipagtulungan ng Pasay City Tourism Cultural Development Office.

 

WAGI ANG KAPUSO young stars especially ang mga miyembro ng Tweens sa Pinoybiz Surfer as of Oct. 16 for Most Like Pinoy Teen Stars 2011. Nag-no. 1 ang PMPC 3rd Star Awards For Music Best New Male Recording Artist na si Jake Vargas na may 2,223 votes; at No. 2 naman si Teejay Marquez with 1, 845 votes.

No.3 si Daniel Padilla (1,705); No. 4 si Kristoffer Martin (1, 670); tie sa no. 5 sina Derrick Monasterio at Joshua Dionisio (1, 263); no. 6 si Elmo Magalona (1, 233); No. 7 si Sam Concepcion (1,010); no. 8 si Alden Richards (968); no. 9 si James Reid (840); at tie sa no. 10 slot sina Hiro Magalona at Enrique Gil (728) votes.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.