Arnell Ignacio at Suzuki Sadatsugu, nag-away na naman!

NAKAKALOKA NAMAN ANG drama ng magsing-irog at tinatayang pinaka-controversial na mag-dyowa ngayong taon. Mistula ngang kinabog na nito ang umingay at naging laman ng pahayagan na loveteam nina Kim at Gerald, Heart at Daniel, dahil habang patay na ang isyu sa dalawang nabanggit na loveteam, ang kontrobersiya naman sa pagitan nina Suzuki Sadatsugu at Arnell Ignacio ay nanganganak at mas lalo pang umiingay. Kaya naman laging laman ang mga ito ng tabloid at maging ng mga talk show.

Ang dalawang ito na nga ang maituturing na pinakamaingay at controversial na pares bago tuluyang mamaalam ang 2010. Ilang araw lang ang nakalipas nang mabalitaan ang umbagan ng mga ito at ilang araw din ang lumipas at nakita ang mga itong sweet na sweet sa isa’t isa at mukhang walang nangyari.

Pero ang latest na aming nasungkit na balita ay warla as in magkaaway na naman ang dalawa. Ang tsismis sa amin, um-attend daw ng isang X-mas party ang dalawa sa isang malaking kumpanya, kung saan nag-host si Arnell kasama ang komedyanang si Rufa Mi.

Habang nagho-host daw ay napansin ni Arnell ang pagtitig at pangiti-ngiti ni Suzuki kay Rufa Mi na ikinaimbyerna ng magaling na host. Kaya naman daw ang ending, lumaklak nang lumaklak daw ng alak si Arnell, hanggang sa malasing ito  nang bonggang bongga. Kada bigay raw na alak ng mga taong naroon ay iniinom ni Arnell, kaya naman laking gulat ng mga nakakakilala rito dahil ‘di naman daw ito ganu’n kalakas uminom.

Kaya naman daw ang ending, halos gumapang na ito palabas ng venue ng X-mas party ng isang kumpanya. Mabuti na lang daw, nandoon si Suzuki na umaalalay rito. Na habang naglalakad palabas ay tinatalakan si Suzuki tungkol kay Rufa Mi. Mukhang nag-jelling-jelling daw si Arnell kaya nagawang magpakalasing. Ang maganda lang daw, walang umbagang naganap. ‘Yun na!

BILANG PASASALAMAT DAW sa dami ng bles-sings na dumating sa kanyang buhay, isinelebreyt ni Mark Herras ang kanyang kaarawan last Dec. 14 sa piling ng mga bata sa orphanage, kung saan dinala niya ang mga ito sa Enchanted Kingdom.

“Hindi ko gagawin ‘to para gumawa lang ng issue o gumawa lang ng ingay, o magpapansin lang ako sa mga tao. Gusto ko lang ‘tong gawin, matagal na. ‘Yun nga, dahil din du’n sa Puso ng Pasko, marami rin kaming natutunan.”

Habang Deadma na lang daw si Mark sa lumabas na video scandal, dahil hindi naman daw ito totoo, kaya ayaw niyang paapekto rito.

“Kasi ano, ayoko lang ng mga ganu’ng klaseng issue. Kasi nga, nu’ng time na lumabas ‘yun, sabi ko nga du’n sa kanila, sabi ko, okay lang naman sana kung ako lang naman ‘yung maapektuhan o ako lang ‘yung mapag-uusapan sa issue.

“E, hindi, e. Maraming nadamay na tao. Unang-una ‘yung family ko, tapos si Ynna. Kaya talagang du’n ako nagsi-shout out kapag may nadadamay na ibang tao. Kaya hindi ako natuwa. Okay lang, pero hindi naman siya pinag-usapan nang matagal.”

NAGMISTULANG SANTA CLAUS si Ai-Ai delas Alas sa kinalabasan ng kanyang X-mas party with the press, kung saan namudmod ito ng mga appliances at kadatungan. Halos lahat ay umuwing nakangiti dahil na rin sa bitbit na regalo at salaping galing sa star ng Ang Tanging Ina Mo: Last Na ‘To! na entry sa 2010 MMFF hatid ng Star Cinema.

Sa sobrang blessings daw kasi na dumaan sa buhay ni Ai-Ai, nais daw nitong i-share sa mga working press people na walang sawang sumusuporta sa kanya all throughout this year. Kaya naman daw sa kanyang abot na makakaya, nais niyang mapasaya ang press ngayong darating na Kapaskuhan.

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.