Arnell Ignacio’s life is in trouble now because of the three policemen whom he accused of extortion!

SOBRANG NAGULO NA raw ang buhay ng businessman at komedyanteng si Arnell Ignacio simula nang masangkot ang kanyang pangalan sa tatlong pulis na inakusahan nitong gustong ma-ngotong sa kanya ng P50k.

Ayon kay Arnell, halos sa pang araw-araw niya sa mundo ay wala na siyang peace of mind dahil habang tumatagal ang kaso ay padami nang padami ang death threats na natatanggap niya. Paggising pa nga lang daw niya sa umaga at pagbukas niya ng kanyang messages sa cellphone ay mura at pananakot na mula sa mga ‘di nito kilalang tao ang nababasa niya.

Maging sa kanyang e-mail ay inuulan din siya ng death threats. Idagdag pa raw niya ang mga unknown persons na tumatawag sa kanya na ‘di na lang niya pinapansin. Aminado raw ito na napakalaki ang naging pagbabago sa kanyang buhay simula nang masangkot siya sa nasabing kontro-bersiya.

Ipinagdarasal na lang daw nito na sana ay matapos na ang usapin tungkol sa nasabing issue nang sa ganu’n daw ay makapamuhay ulit siya at ang kanyang pamilya nang tahimik katulad ng dati. ‘Yun na!

VERY THANKFUL DAW ang dalaga ni Robin Padilla na si Kylie Padilla at sa kanya ibinigay ng GMA-7 ang remake at pagsasa-telebisyon ng Blusang Itim, kung saan gagampanan nito ang role ni Jessa na unang ginampanan ni Snooky Serna at mas nagpaningning ng career nito .

Kabado pero excited daw si Kylie sa kanyang kauna-unahang pagbibida dahil malaking proyekto ang ibinigay sa kanya ng Kapuso Network. Pero 100% plus daw ang effort na ginagawa niya para naman daw matumbasan nito ang pagtitiwalang ibinigay sa kanya ng GMA-7.

Bukod sa Blusang Itim, regular ding napapanood si Kylie sa Party Pilipinas at Tween Hearts. Makakasama ni Kylie sa Blusang Itim sina Ms. Marissa Delgado, Ms. Jackielou Blanco, Frank Magalona, Carl Guevarra, atbp.

BONGGA AT MANINGNING ang naging pagpapalabas ng Human, Kashieca at Bench para sa taunang Philippine fashion Week na ginanap last May 08 sa SMX Halls 1 and 2 ng Mall of Asia Complex.

Punum-puno ang nasabing venue sa dami ng taong nanood sa one of a kind fashion show, kung saan rumampa naman ang mga A1 models sa bansa at ang mga maningning na artista sa telebisyon at pelikula na celebrity endorsers ng nasabing clothing lines sa pangunguna nina Piolo Pascual, Diether Ocampo, Coco Martin, Angelica Panganiban, Carla Abellana, Dingdong Dantes, Kris Bernal, atbp.

MULA SA PAGIGING mabentang commercial model ay pinasok na rin ng guwapitong si Teejay Marquez ang mundo ng pag-arte via Tween Hearts, kung saan gagampanan nito ang role na Nathan na magiging ka-love triangle nina Kylie Padilla at Derrick Monasterio.

Very thankful daw si Teejay kay Kuya Germs, Ms. Mona, Ms. Mhai , Ma’am Annette, Ma’am Lilybeth at Ma’am Wilma dahil binigyan siya ng pagkakataong makasama sa show. Bukod sa nasabing palabas ay regular teen co-host din si Teejay sa Walang Tulugan with the Master Showman, at kabarkada naman ni Carl Guevarra sa Blusang Itim.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.