Arnell Ignacio’s life in danger!

SINABI NI ANGELICA Panganiban na five years na silang mag-on ni Derek Ramsay at sa loob ng mahabang taon na iyon ay higit nilang kilala ang isa’t isa at hindi sila naapektuhan ng mga balitang sisira ng kanilang relasyon. “Kung may nakakakilala man kay Derek, siguro ako iyon dahil five years na rin naman ang relationship namin. Wala nang ganu’n- ganu’n sa amin ngayon. Hindi kami basta-basta naniniwala sa mga balitang wala namang katotohanan.”

Ayon kay Angelica, kung hindi raw sila matibay ni Derek, matagal na silang naghiwalay dahil sa dami ng mga intrigang ibinabato sa kanila. “Sana maging happy na lang tayo kapag may mga taong happy na tulad namin ni Derek. Kasi nakaka-sad naman kung lahat na lang tayo e, malungkot, ‘di ba?

Sinabi pa ni Angelica na totoong balak ni Derek na ma-meet nang personal ang ama niyang Amerikano. “Actually matagal nang plano ‘yon, pero dahil sa dami ng mga commitments kaya parang hindi matuluy-tuloy.”

Sa kabilang banda, inamin ni Angelica na marami na ang nagbago sa kanyang buhay partikular na sa kanyang mga pananaw at desisyon nang makilala niya nang lubusan ang kanyang ama. “Dati kasi sa isipan ko lang siya naaalaala. Ngayon, kilala ko at alam kong may foreigner ang father ko.”

INAMIN NI MYLENE Dizon na paminsan-minsan ay napag-uusapan na nila ni Ira Cruz ang salitang kasal, pero hindi raw sila nagmamadali. “Actually kailangan pa ba iyon? Sa pagkakaalam ko, basta masaya ang dalawang tao hindi na masyadong importante ang mga ganu’n. Pero kung may ganu’ng mangyayari, why not? Masaya ang beauty ko!”

Sinabi pa ni Mylene na wala raw problema kay Ira ang dalawa nilang anak ni Paolo Paraiso. “Kasi kami naman ni Pao, simple lang naman, magkaibigan lang, hanggang du’n lang. Pero mabuti siyang ama ng aking mga anak, iyon lang ang masasabi ko.”

Malalaki na ang mga anak nina Paolo at Mylene, na ayon sa aktres, kuntento siya sa kanyang pagiging ina. “Financially, wala namang problema dahil nagwo-work naman ako, at nandiyan naman si Pao para sumuporta sa mga bata at iyon ang maganda sa amin. Dahil hindi kami magkaaway… kumbaga, may magkaiba man kaming mundo e, pagdating sa mga anak namin, magkasama kami.”

NANGANGANIB ANG BUHAY ni Arnell Ignacio matapos na mag-file siya kahapon ng demanda laban sa tatlong pulis na pilit nangotong diumano sa kanya nang halagang fifty thousand pesos. “Kailangang huwag muna akong maglalabas habang hindi tapos ang kaso, kasi ibang klase itong problemang kinahaharap ko ngayon kapatid, ito na yata ang pinakamatindi sa lahat,” sunud-sunod na sabi sa amin ni Arnell.

Ayon kay Arnell, kahit anong mangyari, hindi raw siya titigil at kailangang maparusahan ang tatlong pulis.”Kung hindi ako magsasalita at lalaban sa kanila, aba marami pa kaming mabibiktima ng mga taong ito.”

Sa ngayon, bawal muna raw maglalabas si Arnell. Ito ay base narin para sa kanyang security measure, kung saan pa siya ng dalawang bodyguards na super guwapo… yes, guwapo at macho ang mga bantay ni Arnell!

Sabi nga namin, feeling namin ay parang naging masaya pa si Arnelli sa nangyari dahil may guard na siya may papa pa! “Hahaha! Luka-luka ka talaga, Morly! No, hindi… nagkataon lang na sila ang ibinigay sa akin ng PNP. Hahaha!”

More Luck
by Morly Alinio

Related Post

loading...

4 thoughts on “Arnell Ignacio’s life in danger!

  1. May isa akong forum site na napuntahan naging customer daw niya si Arnel regarding sa internet network sa bahay, after matapos ang installation binigyan para sya ng extra money (tip) ni Arnel. Generous at mabait daw si Arnel. yun lang. Tama lang ang ginawa ni Arnel na labanan ang mga polce at ipaglaban niya ang karapatan niya.

  2. okay na yan arnel, saludo ako sayo gurl! kung matigok ka man as a result of that at least for a good cause naman at mamamatay kang bayani. buti na yan at hindi ka lang kay suzuki magpapakamatay noh!

Leave a Reply

Your email address will not be published.