Arnel Ignacio, napuno na kay Ken Psalmer

Arnell-Ignacio-Ken-PsalmerAFTER A month nang mapabalitang engage na si Arnel Ignacio sa singer na si Ken Psalmer, at sabihin nitong sana si Ken na ang kanyang magiging forever, balitang break na at hiwalay na ang mga ito.
Hindi na raw kasi matiis ni Arnel ang harap-harapang pambabastos sa kanya ni Ken, na imbes na mag-sorry raw ay ito pa ang galit. Ayaw na raw idetalye ng mahusay na comedian/ host kung anu-anong pambabastos ang ginagawa sa kanya ng 35 years old singer. Pero napuno na raw ito, kaya tinapos na ang kanilang relasyon.
May usapan pa nga raw sila ni Ken na kung sakali man at hindi naging successful ang relasyon nila ay willing niya itong tulungan para gumanda ang singing career. Pero sa mga nangyayari raw, mukhang wala na itong balak tulungan ni Arnel.

Yexel-SebastianYexel Sebastian, inalay ang award sa yumaong kapatid na si Jam Sebastian

“IBINABAHAGI KO ang award na ito sa kapatid ko na si Jam. Kung nasaan ka man Jam ngayon, para sa ‘yo ang award na ito.” Ito ang ilan sa laman ng thank you speech na binitawan ni Yexel Sebastian nang tanggapin niya ang kanyang trophy sa katatapos na SMAC 1st Social Media Artist and Celebrity Awards 2015.
Dagdag pa ni Yexel, ‘di raw siya makikilala sa social media kung hindi dahil sa kanyang kapatid na si Jam at sa girlfriend nitong si Mich na mas kilala bilang Jamich. Ngayon nga raw ay papasukin na rin ni Yexel ang pag-awit via his single “Gusto Kong Sumikat” na mapakikinggan ngayong August sabay ng paglabas ng kanyang MTV.
Makasasama raw ni Yexel sa kanyang MTV ang ilang sikat sa social media. Wish nga nito na tangkilin ng mga Pinoy ang kanyang awitin.
UpgradeUpgrade, ibinahagi ang award sa kanilang supporters

IBINABAHAGI NG SMAC 1st Social Media Award Outstanding Boyband in Social Media and TV 2015 na grupong Upgrade – na kinabibilangan nina Kcee Martinez, Armond Bernas, Miggy San Pablo, Rhem Enjavi, Ivan Lat, Raymond Tay, at Mark Baracael – ang nasabing award sa kanilang mga supporter at sa mga taong naniniwala sa kanilang talento.
Ang Upgrade ang nagsilbing opening salvo ng gabi ng Pagbibigay Parangal ng SMAC 1st Social Media Artist and Celebrity Awards 2015 sa kanilang bonggang production number ng medley ng ‘N Sync.
Nagpasalamat din ang Upgrade sa kanilang endorsements tulad ng UniSilver Time, Royqueen, Cardams, Aficionado Germany Perfume, at MyPhone.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleTisay na actress, madalas umbagin noon ng asawang mahusay na aktor
Next articleJennylyn Mercado, wala raw diet secret, dinadaan lang sa workout ‘pag napaparami ng pagkain

No posts to display