Arnel Ignacio, nagbababad sa bahay ni Suzuki Sadatsugu?!

MUKHANG TAMA NGA ang ABS CBN sa pagsasabing hindi nila kawalan ang Starlet na si Sam Pinto. Hindi raw kasi ito marunong umarte na siya rin naman daw pinakawalang salita ng direktor ng Petrang Kabayo. Kumalat ang tsismis na ang nasabing starlet din ang naging dahilan ng pag-init ng ulo ng pasensiyosong direktor dahil nga sa kabopolang umarte ay inabot na kung ilang take ang isang eksena.

Ang nakakaloka, bukod sa bobo nang umarte, feeling sikat at maldita pa ang hitad na ito. Biruin n’yo ba naman nang pumasyal kami sa taping ng Bubble Gang at nagbalak kaming interbyuhin ito para sagutin ang issue ng kabobohan niyang umarte at naging reklamo sa kanya sa pelikulang Petrang Kabayo, hindi kami pinaunlakan kahit ilang katanungan lang.

Ang siste, inabisuhan namin ang handler nito na kung puwedeng interbyuhin si Sam para naman masagot nito ang mga negatibong tsismis na kumakalat, na inayunan naman ng handler nito at sinabing mamaya-maya na lang pagkatapos niyang kunan at bago pumunta ng presscon ng Petrang Kabayo.

At dahil nga gusto naming makuha ang pahayag nito, matiyaga naming hinintay ang kung ilang oras para makausap lang siya. Ang ending paglabas ng Studio 5 ng GMA-7 at sabihin namin dito kung puwede ba siyang ma-interview kahit a few questions, deadma as in deadma na parang walang narinig ang hitad at dali-daling umalis.

Kaya naman ang ending, nasayang lang ang halos magdadalawang oras yata naming paghihintay sa nagpi-feeling sikat na ito. Kaya ngayon kami naniniwala na mukhang wrong decision para sa GMA-7 na kunin ang serbisyo ng super sa pagka-starlet na babaeng ito.

At dahil bobong umarte at kamukha na rin lang siya ng dating hubaderang si Alma Soriano na lamang lang sa kanya ng kaputian dahil negra at ulikba ang Sam Pinto na ito, bakit ‘di na lang ito sumabak sa paghuhubad sa pelikula, o kaya pictorial sa magazine? Dahil mukhang doon naman siya nababagay, kung saan ‘di nangangailangan ng galing sa pag-arte na wala naman talaga siya, at katawan lang ang puhunan. ‘Di ba magandang idea ‘yan!

ANO KAYA ANG pinakain ng Japanese-Pinoy model/actor na si Suzuki Sadatsugu sa host/comedian/enterpreneur na si Arnel Ignacio dahil mukhang haling na haling ito sa Japinoy hunk.

Bali-balita kasing napapabayaan na ni Arnel ang kanyang trabaho, kaya naman daw zero as in bokya ang career nito at walang show sa kahit anong istasyon. At kahiit nga raw ang radio program niya ay napabayaan na rin ni Arnel dahil na rin sa pagbababad nito sa bahay nila Suzuki sa Gagalangin, Tondo.

Tsika nga sa amin ng amin ng aming source, na from Quezon City nga raw ay nililipad ng expensive car ni Arnel ang Tondo para lang makapiling si Suzuki at makausap ang mga magulang at lola nito, lalung-lalo na ang Japanese Father ng Japinoy na mukhang botong-boto naman kay Arnel dahil niregaluhan pa nito ang komedyano ng mamahaling antigong porcelain.

At sa pagkahaling at pagka-in love na yata ni Arnel kay Suzuki, pinagbuksan pa raw nito ng isang Japanese/Pinoy Restaurant ang hunk actor, kaya naman daw siguro sobrang close ito ngayon sa mga magulang at pamilya ni Suzuki.

Balita pang dahil sa super inlababo kay Suzuki, nagagawa na nitong kausapin ang ilan sa executives ng isang higanteng TV network para bigyan ng show si Suzuki, kaysa bigyan siya ng shows, dahil matagal-tagal na rin namang wala itong show sa telebisyon.

Ang tanong? Seryoso rin ba si Suzuki kay Arnel, samantalang balitang-balita na isa sa Sexbomb Girls ang nililigawan ng Japinoy hunk na lagi nitong kasa-kasama at ipinakilala na rin nito sa kanyang mga magulang? ‘Di kaya ang ending ay lumuha ng dugo si Arnel sa dami ng mamahaling regalo at kung anu-ano pa na iniregalo nito kay Suzuki? ‘Yun na!

TAKOT DAW ANG naramdaman ni Ms. Sylvia Sanchez nang mabasa nito ang script ng Koreana dahil sobrang salbahe raw ng role na gagampanan niya rito.

“Sobrang salbahe ako rito du’n sa mahirap na side ng story, squatter kami rito, mahirap kami. Pagdating kasi sa mansyon, si Eula Valdez na ang masama at magiging kontrabida.”

Gaano kasama ang role n’yo rito sa Koreana?

“Naku sobra-sobrang sama, kasi binubugbog at inaapi ko talaga rito si Kris Bernal. Binabasa ko pa lang nga ‘yung script, naiisip ko nga na wala kayang mambato sa akin ‘pag naglalakad akong mag-isa sa kalsada dahil sa sobrang sama ng role ko.

“Kaya nga hindi ko na nanaising maglakad sa kalsada nang mag-isa dahil baka bigla na lang may manakit sa akin sa sobrang sama ko sa Koreana. Ang role ko kasi rito, masama,kasi pisikal at nananakit ako rito, at hindi lang basta-basta salita.” Pagtatapos ni Ms. Sylvia nang makausap namin sa presscon ng Koreana.

loading...

5 thoughts on “Arnel Ignacio, nagbababad sa bahay ni Suzuki Sadatsugu?!

  1. natural magdeny para mysterious ang dating. magkakapresyo pa yan ng husto dahil sa press releases. e mukha namang 5 buwan ng di naliligo ei

  2. Letse suzuki denial prince ka din , im jfc/japinoy and still here in japan , bat d ka n lng umamin ,wakata yo ! and i say na almost laht dto ih pmptOl sa bading Noh, dnt deny it .. kaya nga Ok dto ang pgwa ng sex video noh …!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.