Arnel Ignacio, ipinipilit ang sarili kay Suzuki Sadatsugu?!

NATAWA TALAGA AKO sa tsismis tungkol kina Arnel Ignacio at ng Survivor Castaway na si Suzuki Sadatsugu dahil lumalaki na ito.

Kasi naman, halatang type na type talaga ni Arnelli si Suzuki at inamin naman niya ito nu’ng nakausap ito ng Startalk.

Ang sabi nga niya, naging close na siya sa pamilya ni Suzuki at gustung-gusto siya ng Mommy nitong binatang hapon.

Nu’ng birthday pa ng Mommy ni Suzuki, nagpadala pa siya ng cheesecake at obvious na sinusuyo niya talaga ito.

May tsismis pang niregaluhan daw ni Arnel si Suzuki ng motor at cellphone pero itinatanggi nila ito.

Sabi ni Suzuki, may bago siyang cellphone pero binili niya ‘yun at hindi niregalo ni Arnel.

Parang wala namang malisya kay Suzuki ang pagiging close sa kanya ni Arnel dahil parang kaibigan lang daw ang turingan nila.

Nakakatawa pa nang tinanong ito ng Startalk reporter kung okay lang ba sa kanya na maging dyowa siya ni Arnel.

Sagot ba naman niya: “Bakit bakla ba si Arnel? ‘Di ba silahis lang siya?”

“Siguro friends lang talaga, hindi ‘yung dyowa as in dyowa talaga,” sey pa nito.

Hindi naman daw masama kung makipagkaibigan siya sa isang bading basta wala lang daw malisya.

Kaya lang, hayagan namang sinasabi ni Arnel na type niya si Suzuki, paano ‘yan ngayon? Si Arnel aamin, si Suzuki naman magdi-deny. Ano ang susunod na mangyayari n’yan?

Naku! Abangan n’yo ang nakakaaliw na interview namin diyan sa Startalk!

MAY EXCLUSIVE INTERVIEW rin si Butch Franciso kay Marian Rivera na dumalaw sa isang batang fan niya na may sakit na Cancer.

Alam ko Leukemia ang sakit nu’ng 12-year old na batang naka-confine sa Children’s Hospital sa Quezon City at dinalaw ito ni Marian dahil ito lang daw ang hiling niya na makita ang paborito niyang aktres.

Alam n’yo, kahit anong kanegahan ang ibinabalita nila kay Marian type ko pa rin siya dahil wala siyang pretensiyong magpaka-sweet kung hindi niya talaga type ang isang tao.

Totoo talaga ang nakikita n’yo sa kanya, pero may malambot siyang puso lalo na sa mga bata.

Ang dami nang dinalaw noon ni Marian na fans na may sakit at napasaya niya nito.

Kaya sabi nga niya, kung nakagagaling lang daw ang pagdalaw niya sa mga fans niyang may sakit, iikutin niya ito lahat basta madalaw lang niya.

Meron pa nga raw siyang isang batang fan na may Cancer din na gusto ring dalawin ni Marian sa hospital na ‘yun pero nakalabas na pala ito. Marian din daw ang pangalan nu’ng batang ‘yun, kaya gustung-gusto rin sana ng aktres na makita ito. Mabuti’t naabutan pa niya ‘yung isa pang batang fan niya kaya napasaya niya ito.

Tinanong ni Marian kung ano ang gusto nitong regalo, ibibigay raw niya basta magpagaling lang.

Gusto raw nito ng Ipod kaya nangako si Marian na ibibili niya ito para sumaya lang siya.

Mukhang treatable naman daw ang sakit nu’ng bata kaya isa si Marian sa umaasang gumaling itong batang fan niya.

Nakaka-touch ang mga eksenang nakunan ng Startalk nu’ng dinalaw niya ito kaya abangan n’yo ‘yan bukas.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

11 thoughts on “Arnel Ignacio, ipinipilit ang sarili kay Suzuki Sadatsugu?!

  1. hay naku sa mga super bitter kay marian…wala lang kayong magawang mabuti sa kapwa niyo…at least ang aming super idol na si marian ay may nagagawang mabuti sa kapwa…

  2. Bakit pag dumadalaw si Marian Rivera sa fans ay ME DALANG REPORTER AT CAMERA??????

    BAKIT??????
    kasama ba iyan sa PUBLICITY?
    HIndi ba bukal sa loob at TRABAHO PA DIN IYAN?????
    Kaplastikan kung ganoon.

    • nililinis nila ang name ni marian para mabura kahit paano ang nega isssues sa kanya. e, nadadalas ang dalaw nya sa mga bata na may sakit. tapos ipapakita sa tv, eeewwww. di nga naman nya maloloko ang matatanda so bata na lang ang lokohin.

  3. Naku suzuki aa ! umamin kna ,im here sa japan at alam ko kung at kilalang kilala ko ang buhay ng mga nihonjin dinto huh ! may iba tlgng pmptol sa bading nOh ! chOosy kpa !

  4. Yung mga sumusulat ng negative kay Marian, kayo ba meron na kayong nagawang charitable? Ang hirap sa ibang writers, they’d rather dwell on the negative. Pag may magandang nagawa ang isang artista, they do not even bother to write about it.

Leave a Reply

Your email address will not be published.