Army vice commander, pumanaw sa atake sa puso

NAGLULUKSA NGAYON ANG Armed Forces of the Philippines (AFP) partikular ang Philippine Army matapos pumanaw ang kanilang vice commander na si Major General Rudival Cabading makaraang atakihin sa puso, noong Lunes  ng gabi.

Ayon kay Army Spokesman, Col. Antonio Parlade Jr., natagpuang walang malay ang heneral sa comfort room ng kanyang bahay sa AFP Officers Village sa Fort Bonifacio bago mag-alas-10 ng gabi.

Agad itong isinugod sa Fort Bonifacio General Hospital subalit idineklarang wala nang buhay bago mag-alas-12:00 ng hatinggabi.

Si Cabading ay hinirang bilang 22nd Vice Commander ng Army noong Hulyo 11. Aminado si Parlade na malaking kawalan sa kanilang hanay si Cabading. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.