Army Official, Na-Promote Dahil sa Yolanda

NA-PROMOTE SA ranggong major general si Brig. Gen. Jet Belarmino, 8th Infantry Division commander, hepe ng Task Force Yolanda chief na isa sa mga survivor ng bagyong Yolanda sa Tacloban City, Leyte.

Pinangunahan ni Philippine Army Chief Lt. General Noel Coballes ang donning of rank kay Belarmino bilang major general bilang pagkilala sa ipinamalas niyang katatagan at pagiging masigasig bilang commander ng 8th Infantry Division, na saklaw ang Leyte at Samar, sa kasagsagan ng super typhoon.

Ayon kay Coballes, ang promotion ni Belarmino ay akma at karapat-dapat dahil napangasiwaan nito nang maayos ang sitwasyon sa naturang lugar, partikular ang relief efforts ng militar kasama ang mga local, national at international humanitarian organizations.

Halos maluha ang nasabing opisyal habang ikinakabit sa kanya ni Coballes ang two-star rank sa kanyang shoulder board sa simpleng seremonya sa Punong Himpilan ng 8th ID sa Tacloban City.

Samantala, nilibot rin ni Coballes ang Tacloban City para personal na makita ang lawak ng pinsala ng kalamidad sa Eastern Visayas at purihin ang mga sundalong tumutulong sa relief, recovery at rehabilitation operation.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.