Army, matigas sa mga nagkasalang MILF official

NANINDIGAN ANG PHILIPPINE Army (PA) na hindi dapat palayain ang mga nakakulong na opisyal ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang patunayan lamang ang sinseridad ng gobyerno sa isinusulong na peacetalks.

Ayon kay Army Spokesman, Col. Antonio Parlade, ang mga opisyal ng MILF ay nakakulong hindi dahil sa kanilang orga-nisasyon kundi dahil sa iba’t ibang henious crime na kanilang kinasangkutan.

Inihalimbawa ni Parlade ang mga kasong multiple murder kaugnay sa December 30, 2000 bombing sa LRT stations na ikinasawi ng dalawampung katao.

Ipinaalala ng opisyal na taong 2003 nang umamin si MILF rebel Muklis Yunos na sila ang nasa likod ng naturang pambobomba.

Bukod pa ito sa pambobomba sa bus terminal sa Mindanao noong Oktubre 2010 na ikinasawi ng sampung katao.

Muling binigyang-diin ni Parlade na mapatutunayan ng gob-yerno ang sinseridad nito sa ibang paraan at hindi sa simpleng pagpapalaya sa mga taong dapat managot sa krimeng ginawa.

(EUNICE CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.