Army detatchment, target; 5 kritikal Circus show, binomba; 37 sugatan

UMABOT NA sa 37 katao ang sugatan habang limang (5) ang nasa kritikal na kundisyon matapos na pasabugan ang isang circus show na ginaganap sa covered court noong Sabado ng gabi sa Paquibato, Davao City.

Ayon kay Supt. Ronald Dela Rosa ng Davao City, dakong alas-9 ng gabi nang mangyari ang pagsambulat dahilan para masugatan ang mga nonood ng circus show sa bahagi ng covered sa Brgy. Fatima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, isang lalaki aniya na hindi pa nakikilala ang naghagis ng granada sa temporary detachment ng Peace and Development Team ng 69 Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army (PA) na katabi lamang ng nasabing covered court.

Tumama sa tarpaulin ang nasabing granada kaya tumalsik ito patungo sa mga audience o mga manonood.

Sinasabing ang circus show ay bahagi ng pagsasaya para sa barangay parochial fiesta sa September 13.

Isinugod sa pagamutan ang mga sugatan, kasabay ng pagsasagawa ng manhunt operation ng Police Station 7 sa lugar katuwang ang mga sundalo mula sa 69IB ng PA upang kilalanin ang suspek.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Army detatchment, target; 5 kritikal Circus show, binomba; 37 sugatan

  1. Pingback: Army detatchment, target; 5 kritikal Circus show, binomba; 37 sugatan - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.